Thursday , December 26 2024

Mukhang sablay si Mayor Strike Revilla sa kanyang annointed Traffic C’zar

Bihirang magkamali at sumablay ang idol nating si Bacoor City Mayor Strike Revilla sa kanyang mga desisyon ngunit tila, the honorable city chief executive this time committed a big blunder by appointing his traffic c’zar who happens to be a liability to the constituents of Bacoor rather than an asset.

Sa halip kasing gumanda at lumuwag ang daloy ng sasakyan sa nasabing siyudad ay lalong sumama.

Dumami pa raw ang mga tinaguriang illegal terminals at nagkaroon ng obligasyon ang mga samahan ng TODA sa siyudad ni Mayor Strike.

Ito po kasing traffic c’zar ni idol Strike ay notorious sa siyudad ng Pasay dahil sa tong collection na kanyang ipinatupad noong siya pa ang hepe ng traffic sa nasabing lungsod.

Hindi ‘ata magiging paborable para kay idol Strike ang dating nitong si Mr. Traffic C’zar na kilala sa Pasay City bilang si Mr. Nognog.

Ngayon pa lamang, sukang-suka ang mga driver ng mga pampublikong sasakyan kay Mr. Nognog.

Maging ang private vehicles ay damay na rin dahil sa buhol-buhol na trapiko sa Bacoor.

I guess, dapat marahil magsagawa ng bagong evaluation si idol Mayor Strike Revilla patungkol sa performance ni Mr. Nognog.

Malaking perhuwisyo na kasi ang pagpasok ni Nognog sa nasabing siyudad.

Buti sana kung lehitimong residente ng Cavite pero dahil sampid nga lamang kaya walang malasakit sa mga taga-Bacoor at mga Caviteños.

Speaking of the province, matindi pala ang operation ng STL cum jueteng diyan sa na-sabing lalawigan na hawak ng sikat na gambling lord.

Tagapamahalaan ng nasabing katarantaduhan si alyas Caloyski kulamding na siya rin tagabigay ng payola o intelihensiya sa mga pulis.

Cavite Governor Jonvic Remulla sir, paki kalos nga ang STL cum jueteng operation nitong si Caloy .

Pati mga pulis mo governor ay itinutulak na maging corrupt at tumanggap ng jueteng payola.

 

SI VICTOR BA ANG BAGMAN NI YORME?

Lumutang din ang pangalan ng isang alyas VICTOR BIG TIME na umano’y bata-bata ng isang kauupo pa lamang na alkalde ng isang bayan sa Rizal na siya umanong utak ng lahat ng katarantaduhan sa nasabing AOR.

Magkapit-bahay sa Fillinvest subdivision si Victor Bigtime at si yorme.

Pati illegal terminal, bold show at putahan ay hawak umano ni VICTOR .

Si alias NESTOR ZALVADOR naman ang mistulang bugaw at maintainer ng mga putahan at bold shows sa Rizal.

Isa umano ang GENIE Club sa Cainta na masasabing sentro ng high class putahan sa nasabing bayan. Ang GENIE ay pag-aari ng pamosong si JOLLY TING ng bantog na PEGASUS Men’s Club sa QC.

 

1602 AT VICES SA BULACAN

SAMANTALA, kung garapal ang operasyon ng bold show sa Rizal, untouchable naman ang mga gambling operators sa lalawigan ng Bulacan ni Gov. Willy Alvarado lalo na sa mga bayan ng Marilao, Bocaue at Sta. Maria maging sa siyudad ng San Jose Del Monte.

Kay ROLAN at JAY ang operasyon ng bookies ng karera sa Marilao at Bocaue samantalang isang alyas MARIVIC at NONONG naman ang nagpapatakbo ng lotteng sa Sta. Maria.

Lotteng naman at video karera (VK) machines ang pinamamahalaan ng isang EUNER ZUMERA sa San Jose Del Monte City, Bulacan.

Inutil na naturingan hindi lamang ang Provincial Director ng lalawigan na si Senior Supt. Ferdinand O. Divina kundi pati ang mga hepe ng pulisya sa mga bayan at siyudad na ating nabanggit.

Governor Alvarado sir, gambling capital na ba talaga ang Bulacan ngayon?

Andiyan kasi sa probinsiya mo na ang malalaking gambling lords ng buong Central Luzon at nag-o-operate.

Pati jueteng ay mayroon na rin sa lalawigan mo!

What is happening Governor?

May kasunod…Abangan!

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR” Monday to Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

 

ni Rex Cayanong

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *