Saturday , November 23 2024

D’ Czar KTV club bukas na agad-agad!

‘YAN na nga ba ang sinasabi natin… parang gusto na nating maniwala na tayo ay may krus sa dila.

Pinangunahan na nga natin na sana ay huwag magaya sa Miss Universal Club o sa Emperor International KTV Club na matapos salakayin ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI), PNP-CIDG at Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ‘e hindi man lang naglipas linggo, bukas na ulit – agad-agad.

Sonabagan!

Kailan lang ni-raid ang D’ Czar KTV Club d’yan sa Roxas Blvd., Pasay City, kontodo palabas pa sa TV news at diyaryo pero ilang gabi lang ang nakalipas bukas (business as usual) na naman?!

Ano ba ‘yan, OPLAN PAKILALA lang ba ang mga raid na ginagawa d’yan sa mga pokpokan KTV club/bar sa Remedios St., FB Harrison at Roxas Boulevard?!

Lalo na nga iyang D’ Czar KTV Bar na ang ipinagmamalaki ng may-ari na nagpapakilalang isang alias PABLITO MERKADO ay ‘yung isang Malacañang official na kilala sa code name na 7-1!?

Aba ‘e gasgas na gasgas na nga raw ‘yung 7-1, kane-namedrop ni alias Merkado.

Ikaw rin, Merkado, baka ma-kuratong baleleng ka, kagagasgas sa pa-ngalan ni 7-1.

Noong una ‘e ayaw nating maniwala, pero nang magbukas agad ‘yung D’ Czar KTV bar, aba ‘e wala na tayong masabi.

Lumalabas tuloy na puro publicity lang pala ‘yang raid, raid na ‘yan?!

NBI-DoJ, PNP-CIDG, IACAT, natawagan na ba kayo ni 7-1 kaya wala kayong magawa sa muling pagbubukas ng D’ Czar KTV bar?!

‘E sino ba ‘yang 7-1 na ‘yan!?

BATAS BA ANG SALITA NI RETARDED ‘este’ RETIRABLE COMELEC CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES, JR?!

MASYADO naman tayong nagtataka sa ‘powers’ ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixtong este Sixto, Jr.

Ang kanyang SALITA ay tila isang batas na kahit ang Supreme Court ay hindi ‘ata kayang banggain dahil umano sa kapangyarihan na iginawad sa kanya ng Election Automation Act.

Mantakin ninyong nang sabihin niyang bibilhin ng Comelec ang P3.5 billion PCOS noong 2013 ‘e walang dalawang salita, aprub agad.

‘Yung P3.5 billion voting machines na ‘yan ay inupahan ng nauna sa kanyang chairman na si Benjamin Abalos ng P7.5 billion para sa eleksi-yon noong 2010.

Bukod sa P3.5 billion, nagdagdag pa ng P4 billion para umano sa mga add-ons and warehousing.

Tsk tsk tsk …

What the fact!?

Ganyan lumaspag ng kuwarta ng bayan si Brillantes pero wala man lang magawa ang Supreme Court?!

‘Yan ay sa kabila na kuwestiyonable ang supplier na SMARTMATIC dahil wala silang source code noong 2010 at 2013 elections na malinaw na paglabag sa Election Automation Act.

Ipinagpilitan pa rin ni Sixtong ‘este’ Sixto Brillantes, kailangan umanong bilhin ang nasabing voting machines (PCOS) dahil iyon umano ang nakasaad sa kasunduan ng pag-upa.

Pero ayon sa Government Procurement Policy Board (GPPB), ang option na ito ay awtomatikong napaso nang hindi bilhin ng Comelec ang inupa-hang voting machines noong December 31, 2010.

Nitong Nobyembre 20, muling nagsalita si Brillantes para upakan ang lahat ng kumokontra sa refurbishing ng nasabing voting machines (PCOS) sa halagang P3 billion. At kahit na ang legal division mismo ay nagsasabing kailangan ng public bidding, hindi ito ipinagpilitan ni Brillantes.

Ibig sabihin, bago magretiro sa Pebrero 02, 2015 si Brillantes ay maire-refurbish na ang PCOS …

Good luck Philippines 2016!

IOs SA NAIA T2 DEMORALISADO KAY MADAME SHEILA ROSACAY?

PAKIRAMDAM ng mga Immigration Officers (IOs) na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 ay mukhang nagiging weird ang kanilang BI-NAIA Terminal 2 head na si Madam Sheila ‘sexy’ Rosacay.

Para raw kasing napapraning sa hindi mabilang na ipinagbabawal sa kanila.

Bawal ang bag at kahit na maliit na pouch sa immigration counter kahit wala naman silang dalang cellphone ‘e parang silip nang silip.

Pero higit sa lahat, maraming IO ang umaangal dahil ang pagtatalaga (schedule) niya ng tao ay depende kung gaano raw kalapit at kalayo sa kanya?

S’yempre kapag close sa kanya, mailalagay sa magandang oras ng duty.

Ang isa pa umanong kapuna-puna kay Madam Sheila, ‘e parang nag-iba ang ugali nang ma-retain bilang hepe ng mga IO d’yan sa BI-NAIA terminal 2.

Mabilis daw palang pasukin ng hangin sa puwit ‘este’ tuktok si Ms. Rosacay.

Ayon pa sa mga IO, delikado umano ‘yan, kumbaga sa bagong panganak, madalas nasusumpit ng hangin kaya nagkakaroon ng diperensiya sa tuktok?!

Hindi raw kaya ‘yan ang dahilan kung bakit para siyang weird at napapraning?!

Anyway, bukas po ang Bulabugin para sa iyong panig, Ms. Sheila Rosacay.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *