Thursday , December 26 2024

Singaporean Concessionaire King namamayagpag sa NAIA

00 Bulabugin jerry yap jsyISANG foreign concessionaire sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang sinabing namamayagpag at talagang nakapag-aastang ‘HARI’ dahil kung ano ang gusto niya ay siyang laging nasusunod at mabilis na nangyayari.

Actually, maraming humahanga kay Singaporean concessionaire dahil kapado niya ang trend sa pagnenegosyo.

Halos lahat na ‘ata ng food stalls sa NAIA terminals kapag tinunton kung sino ang nagmamay-ari, tiyak na siya ang matutukoy.

Bukod d’yan napakahaba talaga ng swerte ng mamang ito. Mula sa GMA administration hanggang ngayon ay kopong-kopo niya ang food business sa NAIA.

Pero mukhang ‘malungkot’ pa rin si concessionaire king. Hindi pa siya nasisiyahan sa mga hawak niyang food stall at Jollibee sa NAIA terminal 2 & 3.

Kaya plano niyang tapatan ang kauna-unahan at halos 16 taon nang Jollibee sa NAIA terminal 1 na naroroon sa rampa.

Naglagay din siya ng Jollibee sa 2nd floor sa waiting area sa labas ng NAIA terminal 1.

Pero hindi pa nakontento, kaya naglagay pa siya ng Jollibee sa terminal 2 at sa terminal 3.

In short, kopong-kopo na ni concessionaire king ang NAIA terminals para sa kanyang food stalls lamang.

Naniniwala tayo sa tinatawag na fair competition pagdating sa negosyo. Pero si concessionaire king mas naniniwala siya na ang kompetisyon ay para lamang sa kanyang mga negosyo.

What the fact?

In short, gusto niyang monopolyohin ang concession sa NAIA.

Kaya nga ang itinatanong natin, tama ba o naaayon sa batas ang tila pagmomonopolyo ni concessionaire king sa NAIA terminals?

Wala bang regulasyon ang NAIA Concession kaugnay nito?

Hindi ba agrabyado naman ‘yung mga matagal na nilang nakasama sa pagtataguyod ng mga concession sa NAIA?

GM Jose Angel “Bodet” Honrado, Sir, mukhang may kailangan kang busisiin sa Business Development and Concessions Management Department ng MIAA.

Paki-check nga po GM, baka naman hindi nakararating sa inyo kung magkano ‘este’ ano ang nagyayari d’yan.

Kinakarma ba si Bong Revilla?

NALULUNGKOT tayo sa mga nangyayari kay suspended Senator Bong Revilla.

Lalo na ngayong hindi naaprub ang petition for bail niya sa Sandiganbayan.

Magpa-Pasko pa naman.

Tsk tsk tsk …

Ang masaklap pa, marami na ang humihiling pati ang Ombudsman prosecutor na ilagay na siya sa regular jail under Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) dahil mukha nga namang nakalulusot ang mga VIP epek nila sa Camp Crame.

Ngayong hindi naaprubahan ang kanyang petition for bail, malamang magkasakit na naman si Idol Senator Bong.

Tiyak ang kasunod niyan, hospital arrest naman ang ire-request nila.

Sa mga dinaranas ngayon ni Bong, mas hihilingin niya siguro na magkaroon na siya ng sakit para maipasok siya sa ospital.

Tsk tsk tsk …naubos na kaya ang agimat n’ya?

Dalawa nga lang daw ang choice ng mga inaakusahan ng plunder …ospital o kalaboso.

Ang sakit naman n’yan…

By the way Idol Senator Bong, mayroon ka bang malaking kasalanan na nagawa kung kaya parang kinakarma ka ngayon?!

Just asking lang Idol Kap…

Mayroon nga bang iregularidad at nepotismo sa CAAP!? (Attn: DOTC Sec. Jun Abaya)

ISANG opisyal sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang tila bumabaliko sa daang matuwid ni Pangulong Benigno Aquino.

Ang tinutukoy po ng mga impormante natin sa CAAP ay isang retired Major Gen. Rodante Joya.

Sa ating pagtatanong, si ret. M/Gen. Joya ang kasalukuyang Chief Financial Officer ng CAAP.

Matapos umanong i-appoint si ret. M/Gen. Joya ng Malacañang, nagulat ang mga taga-CAAP dahil biglang nagkaroon sila ng empleyadong Jeremy Joya.

At hindi lang basta empleyado kundi hepe pa ng CAAP Management Information System (MIS).

Kaya hindi na raw nakapagtataka kung bakit lahat ng IT project ay isa si Jeremy sa mga pangunahing nakikialam ‘este nag-aasikaso daw… including umano sa mga project na ‘yan ang ID card at CCTV?

By the way, meron pang isang Atty. Joya na naipasok rin daw sa CAAP …

Anak din kaya siya ni ret. M/Gen. Rodante Joya?!

Ano nga ang tawag sa ganyang practice sa opisina ng gobyerno?

Nepotismo ba tawag d‘yan!?

Ayon pa sa ilang desmayadong CAAP employees, ito raw si Joya ay may take home pay na P200+ kada buwan at ang mga bitbit boys (consuholtants ‘este’ consultants) n’ya raw ay P50k plus naman ang sahod kada buwan?

What the fact!?

At kung mayroong nepotismo, hindi maiiwasang isipin ng mga taga-CAAP na may nagaganap na isang uri ng iregularidad?

May alam kaya riyan si Col. Leo Husada, ang trusted man ni Joya?

Ano sa palagay ninyo CAAP Director General William Hotchkiss III?!

Hindi ka kaya nabubukulan, Sir!?

1602 ni Marte sa Naic, Cavite

SAAN kaya kumukuha ng kapal ng mukha ang isang alias Marte na nagpapasugal ng walong mesa ng color ‘daya’ games sa poblacion ng Naic, Cavite!?

Ipinagyayabang pa ng kamoteng ito na ‘timbrado’ na raw sila sa PNP Cavite. Isang alias Mike Biscotcho naman ang kumokolektong ng lingguhang timbre de pitsa para umano sa PNP Cavite.

Cavite PNP director Senior Supt. Jonnel Cabrillos Estomo, alam kong hindi n’yo kokonsintihin ang ganitong gawain ni Marte sa iyong A.O.R.

Paki-sampolan na lang ang dalawang kamoteng ‘yan, Sir!

Palengke sa Bagong Barrio Caloocan dinadaya ang namimili ng isda

GOOD am po sir Jerry, Sana lagi kayong ok jan. Nais q lng po itanong kung ang mamimili tulad ng isda ay walang karapatang mamili sa binibili? Kc po d2 sa palengke ng Bagong Barrio Kalookan City pag bumili ka ng isda, puwera sa malalaki. Bawal po pumili ang bumibili sa madaling sabi walang pili gayong halo naman ang isda nila yung bulok at mejo sariwa pinaghahalo. Pano naman po ang karapatan ng bumibili nagbabayad ng ayon sa presyo pero ang binabayran e di lahat mapakinabangan. Salamat po +63932731 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *