Mantakin ninyong dalawang buwan na lang pala ‘e lalayas ‘este magreretiro na sina Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes, Jr., Commissioners Elias Yusoph at Lucenito Tagle.
Sa Pebrero 02, 2015 na umano magreretiro ang dalawang commissioner kasabay ni chairman.
Ang dialogue nga no’ng mga sobrang desmayado sa lumutang na 3-million division (discounted pa raw yan?!) sa administrasyon ni Brillantes ‘e … “Hay naku, salamat naman …”
Aba hindi lang ‘yang isyu ng 3-million division, ‘e ‘yung lunch date pa nina Yusoph at Tagle kay dating deputy Speaker Arnulfo Funtebella na pinabaunan sila ng tig-isang paper bag na ‘pili nuts’ daw, hindi pa namamatay ang isyung ‘yan.
At may kasunod pang tanong ‘yan, hindi kaya dumiskarte ng pabaon ang tatlo?!
Ang tanong na ‘yan ay patuloy na pinag-uusapan ngayon sa mga coffee shop lalo na nga’t gustong palitan ni Brillantes ang mga PCOS na SMARTMATIC pa rin ang supplier at iginiit ang pagbili sa P1.2-billion lote para umano sa bagong gusali ng Comelec.
Tsk tsk tsk …
Marami-rami na rin ‘yang pambaon na ‘yan, ‘di ba?
Pero in fairness kina Brillantes, Yusop at Tagle, hindi kaya mas mabuting i-lifestyle check sila bago magretiro nang sa gayon ay maging malinis naman ang kanilang paglayas este pag-alis sa government office?
Aba, e paano naman magiging maligaya ang kanilang pagreretiro kung tuwina ay may nagdududa sa kanilang ‘paglilingkod’ sa sambayanan.
Sa palagay natin, e mas gugustuhin nina Brillantes, Yusoph at Tagle na ngayon sila maisalang sa lifestyle check kaysa kung kailan sila nagretiro na at nakabinbin ang kanilang retirement package …
Pero sabi nga ng isang urot, barya lang ‘yang retirement package na ‘yan.
Ang sakit naman!?
‘E sa dami nga naman ng problemang kinaharap ng tatlo sa Comelec baka sandamakmak na pain reliever ang nalaklak nila …
Anyway, para sa katahimikan ng tatlong magreretarted ‘este magre-retire, pabor tayo na isalang sila sa LIFESTYLE CHECK.
‘Di ba Chairman Brillantes and Commissioner Yusoph and Tagle?!