Wednesday , December 25 2024

The Condo King

00 Bulabugin jerry yap jsylabuHINDI lang pala overpriced, hacienda at bidding-biddingan king, pwede na rin palang tawaging ‘condo king’ si Vice President Jejomar Binay batay sa mga inihayag ni dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado sa Senate hearing.

Ayon kay Mercado, hindi lang umano sa overpriced building at bidding-biddingan namumunini ang mga Binay.

Gumagamit din umano ng dummies ang mga Binay para sa condominium units na bahagi ng ‘extortion activities’ sa mga property developers sa Makati.

Ayon kay Mercado, mahabang panahon na ang pamilya ni VP Binay ay pinaniniwalaang mayroong mga pag-aaring unit sa bawat condominium development sa Makati City.

Aniya mayroon siyang alam na anim na condo units na pag-aari ng mga Binay pero nakarehistro sa pangalan ng kanyang mga dummy.

Tinukoy ni Mercado ang isang 150-square meter unit sa The Peak Condominium sa Salcedo Village na nakapangalan sa isang Ariel Olivar.

Si Olivar umano sng surveyor ni Binay para sa 150 hanggang 350 ektaryang hacienda sa Rosario, Batangas.

Inamin umano ito ni Olivar sa isang sworn statement na ipinaabot sa kanya sa isang taong hindi niya kilala. Inamin umano ni Olivar na ang nasabing condo unit ay kay Binay at hindi sa kanya.

Ayon kay Mercado, sa nasabing unit siya pinayagang umokupa noong 2001.

Sa ulat, sinabing doon natagpuang patay ang kinakasama ni Mercado na sinabing anak ng komedyanteng si Babalu

Bukod sa The Peak, mayroon din umanong pag-aari si Binay na 129.92 square meter unit sa Le Triomphe condo sa Salcedo Village na nakarehistro sa isabf Celso Santiago na sinabing tiyuhin ng kanyang misis.

Nariyan rin umano ang unit sa Makati Sunrise Towers Hotel, Berjaya Hotel ngayon sa Makati Avenue na nasa pangalan din ni Santiago.

Ikaapat ang unit sa Perla Compania de Seguros Mansion Condotel sa Legazpi Village, sa pangalan ni Benjamin Zapanta, ang may-ari ng na nakakuha ng maraming projects mula sa city government ng Makati.

Panglima ‘yung sa Prince Plaza II Condotel sa kanto ng Legazpi, Dela Rosa at Gallardo Sts., sa pangalan ni Santos F. Panlilio, ang paborito umanong contractor ni Binay sa Makati City bago ang Hilmarc’s Cons-truction Corp.

Ika-anim ang 324-square meters sa Avignon Tower sa Salcedo Village, sa pangalan ni Aurora Panlilio, ang asawa ni Santos Panlilio.

Ibinenta na umano ang nasabing unit sa halagang P25 milyon.

Ayon kay Mercado, maraming developers ang lumapit sa kanya at nag-alok pa umano ng kuwarta para ipagpatuloy ang paglalantad sa mga katiwaliang kinasasangkutan ng mga Binay.

Hinikayat niya umano ang nasabing mga developer na lumantad at magpahayag ng kanilang mga nalalaman at karanasan sa mga Binay pero nangangamba umano sa kanilang kaligtasan.

‘Yun lang!

‘E kailan naman paninindigan ng mga deve-loper na ‘yan na may ‘yagbols’ sila kung ayaw nilang lumantad?!

Tsk tsk tsk … nagbanta na ang ‘hari ng mga nuno sa punso,’ tantanan na siya dahil kung hindi, may kalalagyan ang mga nag-aakusa na siya’y magnanakaw.

Habang umuupak naman ang Binays’ spokespersons na ilalantad ang baho at eskandalo ng kanyang mga detractor.

‘Yan ang aabangan ng madlang pipol, ang umiinit na issue sa yaman ni Binay!

De-kontratang taxi talamak ngayon sa MOA at sa iba pang mall (LTO-LTFRB nganga!?)

BABALA lang po sa mga kumukuha ng taxi d’yan sa mga mall lalo na kung hindi naman kayo taxi rider, mag-ingat po kayo doon sa mga nango-ngontratang driver.

Nagkalat po ngayon ‘yan sa SM Mall of Asia at sa iba pang Mall kung makalulusot sila.

Kung in good faith po ang taxi driver, ang dapat ay pasakayin muna nila ang pasahero, tanu-ngin kung saan magpapahatid at saka ibababa ang metro.

Kapag ang taxi driver po, hindi pa nakasasakay ang pasahero, tinatanong na agad kung saan magpapahatid, ‘e bastos po ‘yan at may intensiyon na mangontrata.

Kapag ganyan po ang kostumbre ng taxi dri-ver, ang sabi ng LTO ireklamo daw sa kanila. Kunin daw ang plate number, pangalan ng taxi at kung anong oras at saan nangyari.

Ang tanong, may nagbago ba!?

Matagal na natin kinakalampag sa mga kinauukulan (LTO-LTFRB), holiday season po nga-yon at talagang in demand ang taxi dahil maraming namimili kaya pakiusap lang po magtalaga kayo ng mga tamang tao/awtoridad para matakot ‘yang mga abusado na ‘yan!

Wala po tayong naririnig sa pila ng taxi sa Trinoma, pero nag-uumpisa na riyan sa SM North.

Pinakatalamak daw po sa SM MOA.

O mga kababayan nating taxi drivers, pakisamahan na lang tayo lalo na po ngayong Pasko…

Hindi ninyo kailangan manghingi ng TIP dahil kung maayos ang inyong serbisyo at magalang kayo kusa kayong bibiyayaan ng pasahero.

Paging MMDA, LTO and PNP!

Mag-ingat sa pagbili ng condo sa Megaworld (Senate warned on mafia-like Megaworld)

Dear Senators,                        

Over nine (9) years ago (Oct 2005), I bought a condo from Megaworld, at the Resorts World, next to the Marriott Hotel, just across NAIA 3, the contract says turnover was March 2010, when March 2010 came and I walked thru my condo, there were many defects so I did not accept turnover until all defects would be fixed, they did some small things but not fix all my concerns, and they started sending association dues and utility bills beginning from March 2010, even though I did not sign turnover papers. Until now they refuse to do the turnover even after I agreed to waive the other construction defects, but I insisted that I am not obligated to pay association dues and utilities since I haven’t signed turnover papers yet. Its now four (4) years and eight (8) months past turnover date, it is very apparent now that Andrew Tan & Megaworld are conditioning consumers to accept seriously defective products and start paying association and utility bills on contracted turnover date whether consumers have got what they expect or not, this is wantonly disregarding consumer rights.

In the past we have seen Andrew Tan & Megaworld buy influence at high positions in the Philippines, recently at the Supreme Court thru SC Justice Corona, Andrew Tan spends big money to be with President Aquino too, so now he thinks he can run over the Filipino people because of his vast connections in government.

Recently, I found out that the condo I bought was not a Marriott condo as the agent who sold me has claimed, so it is apparent that Andrew Tan and his Megaworld staff will resort to everything to make a buck, including fraud, shoddy construction and pressure selling with total disregard of consumers rights, it doesn’t need a rocket scientist to figure out that Andrew Tan & his Megaworld staff is a mafia type business operating in the Philippines, they should be hauled to jail immediately and all their licenses to operate suspended, our gov’t entered to agreement with a mafia entity on the Iloilo convention bldg., which will be very harmful to the Filipino people. Let’s look into the fraud they committed at Marriott Resorts World because it portends what will happen to their projects surrounding the Iloilo convention center, I have all the documents and witnesses to prove it, I hope you will take this matter seriously to protect the Filipino people from further rip-offs. God bless the Filipino people, thanking you in advance…

I remain.

                        Sincerely yours,

                         Arthur Belarmino Uy

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *