SOBRA na ang pambabastos ni Bise Pre-sidente Jejomar Binay sa mga miyembro ng Ikaapat na Estado kaya nakapagtataka at nakapagdududa kung bakit punong-puno ang mga pahayagan ng mga istor-yang pabor sa kanya lalo kung katatapos lamang ng pagdinig sa Senado laban sa overpriced Makati Cityhall Building.
Matapos obserbahan ang pakanang protesta ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez nitong Nobyembre 8, nagsadya ako sa Ormoc City para tingnan ang rehabilitasyon sa lungsod. Pagkatapos, sumakay ako ng fastcraft para makatawid patungong Cebu City.
Nagkainteres ako na makipag-usap sa ilang kaibigang editor kinagabihan dahil sa text messages na nakarating sa akin na kakalas na sa gobyernong Aquino si Binay. Galit na galit ang ilang Cebu editors sa estilo ng media handlers ni Binay, partikular sa dating editor na si Joey Salgado. Kung ilang beses na kasing nagyaya si Salgado sa pamamagitan ng isang alyas “Porky” na may malaking “pasabog” sa gaganaping press conference sa iba’t ibang lugar sa Cebu pero last minute ay biglang ikakansela ang presscon.
Walang galang sa media si Binay, ‘yan ang naging kongklusyon ng nakausap kong Cebu editors. Kung sa bagay, puma-lag na rin maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) sa mga kabulastugan ng ikalawang pinakamataas na lider ng ating bansa.
Naghamon si Binay ng debate sa miyembro ng Blue Ribbon sub-committee na si Sen. Antonio Trillanes IV na kaagad namang tinanggap ang hamon. Siyempre, kumilos si KBP President Herman Basbaño na hindi nagkandaugaga sa preparasyon para sa “Debate ng Taon.” Ang siste, biglang iniha-yag ni Binay na hindi na lamang siya makikipag-debate kay Trillanes kahit lamang na lamang siya sa pagkokompara dahil isa siyang abogado gayong dating opisyal ng militar ang senador.
Isa pang halimbawa ng kasinungali-ngan ni Binay ang pahayag niyang dadalo lamang sa pagdinig ng Senado kung kukumbidahin ni Senate Blue Ribbon Chairman Sen. Teofisto Guingona III. Kinumbida naman siya ni Guingona pero sa halip dumalo sa pagdinig ng Senado nitong Nobyembre 6 ay biglang bumiyahe pa-Cebu si Binay at nagsabing kakapain na lamang niya ang damdamin ng samba-yanan kung naniniwala o hindi sa mga paratang sa kanya.
Ang pagbiyahe-biyahe ni Binay bilang miyembro ng Gabinete ay malinaw na isang uri ng maagang pangangampanya dahil matagal na siyang nagdeklarang tatakbo bilang pangulo sa 2016. Ang masama, sanay sa kasinungalingan si Binay kaya madali para sa kanya na sabihing ‘trabaho’ ang kanyang ginagawa.
Pera mula sa kaban ng bayan ang ginagamit ni Binay sa kanyang maagang pangangampanya kaya rito pa lamang ay kitang-kita na ang kanyang tunay na kulay at motibo kung bakit umatras sa pinalu-tang ng kampo niya na pagkalas sa Gabinete. Sanay na sanay siyang magsinu-ngaling kaya dapat na magdalawang isip ang mamamayan kung maaaring ipagkatiwala sa kanyang ‘maiitim’ na kamay ang Malakanyang.
Tsk. Tsk. Tsk.
Ariel Dim. Borlongan