Friday , November 15 2024

‘Fix-cal?’

00 firing line robert roqueNAKALULUNGKOT isipin na ang mala-impiyernong braso ng katiwalian ay mukhang umabot na nga sa ating mga piskal, tulad nang nakita sa pagkakaaresto kamakailan sa isang prosecutor sa entrapment operation na isinagawa ng National Bureau of Investigation (NBI).

Sinunggaban ng mga ahente ng NBI si Quezon City Assistant Prosecutor Raul Desembrana habang tumatanggap ng P80,000 marked money mula sa abogado ni Doctor Alex Montes, sa loob ng isang restawran sa Quezon Memorial Circle.

Hiningi umano ni Desembrana ang naturang halaga kapalit ng pagbabasura sa reklamong “unjust vexation” na isinampa ng isang retiradong military chaplain laban kay Montes. Nahaharap ngayon sa kasong “direct bribery” ang piskal ng QC.

Pinahintulutan ni Justice Secretary Leila de Lima ang entrapment operation batay sa reklamo ni Montes, isang community doctor na kasama sa grupong “Morong 43,” mga health workers na ikinulong noong 2010 dahil sa pagkakaroon ng ugnayan umano sa New People’s Army (NPA).

Nagpahayag si De Lima na hindi raw baleng pahintulutan niya ang pagsasagawa ng regular na entrapment operations na tulad ng naganap kung mangangahulugan ito na mapaaalis ang mga walang kuwenta at scalawag sa kanilang hanay.

Kinondena ni Prosecutor General Claro Arellano, pinuno ng National Prosecution Service ng Department of Justice, ang tinawag niyang “ingrained practice of corruption” na nakapasok daw sa ilan nilang miyembro.

Ayon kay Arellano, ang pagkakaaresto kay Desembrana ay dapat magsilbing mahigpit na babala at pinaalalahanan ang lahat ng prosecutors na ang “public office is a public trust” at wala raw lugar ang pangunguwarta at katiwalian sa pagtupad nila sa kanilang gawain.

Tungkulin ng ating mga piskal na tiyaking mabibigyan ng tamang hustisya ang lahat sa parehas na pagpapatupad ng ating mga batas, nang hindi tumatanggap ng ano mang pabor, konsiderasyon o pang-eeingganyo mula kanino man.

Kapag kumalat ang balita na may piskal na puwedeng bilhin o nangingikil ng pera mula sa mga nasasakdal kapalit ng pagbabasura sa isang kaso, ang integridad ng buong grupo ng mga prosecutor ay malalagay sa panganib sa paningin ng publiko.

Pinili ni Desembrana na manahimik, kaya hindi nagkaroon ng pagkakataon na makuha ang panig niya sa mga kaganapan. Pero matapos lumabas ang mga ulat, may mga pumupuri kay Doctor Montes sa kanyang lakas ng loob na ibunyag ang isang gawain na matagal nang naging paksa lang ng mga bulung-bulungan.

Ang entrapment operation kay Desembrana ay maaaring simula lamang ng serye ng mga pag-aresto na puwede nating makita, kung may mga palpak na piskal diyan na aabuso sa kanilang puwesto at pagkakaperahan ito, kahit na lumabas na pinagsasamantalahan nila ang mga akusado.

Gayon man, naniniwala ako na mananatiling tapat ang ating mga prosecutor sa kanilang sinumpaang tungkulin, lalo na matapos ang pagkakadakip kay Desembrana.

Hayaan ninyong mabigyang-diin ko na ang maling inasal ng isang tao, kung totoong nagkasala siya, ay hindi nangangahulugan na ang lahat sa kabahayan ay nababahiran ng panlilinlang.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *