BABALA lang po sa mga kumukuha ng taxi d’yan sa mga mall lalo na kung hindi naman kayo taxi rider, mag-ingat po kayo doon sa mga nango-ngontratang driver.
Nagkalat po ngayon ‘yan sa SM Mall of Asia at sa iba pang Mall kung makalulusot sila.
Kung in good faith po ang taxi driver, ang dapat ay pasakayin muna nila ang pasahero, tanu-ngin kung saan magpapahatid at saka ibababa ang metro.
Kapag ang taxi driver po, hindi pa nakasasakay ang pasahero, tinatanong na agad kung saan magpapahatid, ‘e bastos po ‘yan at may intensiyon na mangontrata.
Kapag ganyan po ang kostumbre ng taxi dri-ver, ang sabi ng LTO ireklamo daw sa kanila. Kunin daw ang plate number, pangalan ng taxi at kung anong oras at saan nangyari.
Ang tanong, may nagbago ba!?
Matagal na natin kinakalampag sa mga kinauukulan (LTO-LTFRB), holiday season po nga-yon at talagang in demand ang taxi dahil maraming namimili kaya pakiusap lang po magtalaga kayo ng mga tamang tao/awtoridad para matakot ‘yang mga abusado na ‘yan!
Wala po tayong naririnig sa pila ng taxi sa Trinoma, pero nag-uumpisa na riyan sa SM North.
Pinakatalamak daw po sa SM MOA.
O mga kababayan nating taxi drivers, pakisamahan na lang tayo lalo na po ngayong Pasko…
Hindi ninyo kailangan manghingi ng TIP dahil kung maayos ang inyong serbisyo at magalang kayo kusa kayong bibiyayaan ng pasahero.
Paging MMDA, LTO and PNP!