Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Wenn, never magpapakasal sa kapwa lalaki

ni EDDIE LITTLEFIELD

090514 wenn deramas

IN love na naman pala ngayon si Direk Wenn Deramas sa isang non-showbiz guy. ”May boyfriend ako ngayon, hindi celebrity. Three months na kami. Kaibigan siya ng kaibigan ko so nakita ko siya. Nakita ko ‘yung picture ng kaibigan ko na kasama siya. Sabi ko, ‘sino ‘yan?’ ‘Yun, may sarili siyang negosyo. Nandoon siya sa ‘Maria Leonora Teresa’, bisyo ko na ‘yung ilagay ko siya sa pelikula.”

Kahit gaano ka-inlove si Direk Wenn sa isang lalaki, never sumagi sa isipan niya ang magpakasal.

“Hindi ako naniniwala. Pinaghirapan ko ang yaman ko, ihahati ko sa kanila. May divorce sa abroad pero hindi maaaprobahan dito sa atin. Hindi ako naniniwala sa concept na ‘yun. ‘Yung kasal, sa babae at lalaki. Kapag nangyari pa sa aming mga bakla baka magpatiwakal kayong mga babae,” pabirong sabi ni Wenn D.

Sa mga past relationship ni Direk Wenn, kahit nagkahiwalay na sila, they end up friends. ”As a matter of fact, kaya kami magkaibigan n’yan kasi it’s bounce to happen, tanggap ko ‘yan. From the very start, walang forever. Magandang foundation ng isang tao na alam mong lahat na may katapusan. Alam mo ‘yun at ready ka. Kapag nangyari ang paghihiwalay, buo ka pa rin. Ibigay mo ng todo, naibigay mo ang lahat-lahat, wala kang regret. Kaya kami naging magkaibigan, wala akong sumbatan. Walang ganoon, naibigay mo, eh wala na. Parang toothpaste lang ‘yan, pindot ka ng pindot eh naubos. Bili ka ngayon ng bago. Hindi ako nauubusan ng pagmamahal,” pahayag ng magaling na director.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …