Friday , November 22 2024

VP Jojo Binay, kaya mo bang kumalas sa Pnoy admin!?

00 Bulabugin jerry yap jsySA WAKAS, nagsalita na rin si Pangulong Noynoy ukol sa mga patutsada ng kampo ni Vice President Jejomar Binay.

Binigyan na ng ‘go signal’ ni PNoy si VP Binay na malaya siyang makakakalas sa administrasyon.

Pero ang tanong natin, kaya bang kumalas ni VP Binay sa administrasyon ni PNoy?

Aba, sa dami ng naglalabasang eskandalo ngayon laban sa kanya at sa kanilang pamilya e ‘yung pagkakadikit na lang niya kay PNoy ang nagpapabango sa kanya… kakalas pa ba siya?!

Sumagot naman si VP Binay, mananatili umano siyang “TEAM PLAYER.”

Aba ‘e kainam naman kung totoo ‘yan VP Binay!

Ang obserbasyon lang natin, bakit ang daming ‘aso-aso’ d’yan sa kampo at tabi ninyo na kahol nang kahol sa ka-administrasyon ninyo?!

Obserbahan mo rin VP Binay, maraming hindi mapakali d’yan sa mga bata mo. Mas excited pa yata sa iyo na maging presidente ka kaya kana nang kana kahit walang basbas mo!

For your INFO din VP Binay, mayroon ka rin ilang supot ‘este supporter na excited na rin na maging presidente ka, kaya naglulunsad ng mga ‘operation’ na hindi natin maintindihan kung makatutulong ba sa iyong kandidatura o magwawasak nang tuluyan sa realsyon ninyo ni PNoy.

Alam naman natin na mayroon kayong ‘natural links’ sa pamilya Aquino pero dahil sa kaeepal ng ilan d’yan sa kampo ninyo e baka tuluyang mapatid ‘yang ‘links’ na ‘yan.

Wala nang pinakamabuti VP Binay, kundi ang makipagtulungan ka na lang sa administrasyon.

Aba, sayang din naman ang laki ng pondo n’yo as housing czar… mala-king tulong rin ‘yan sa inyong kampanya!?

At higit sa lahat suhetohin mo ang mga aso-aso d’yan sa kampo ninyo.

‘Yun lang ho VP Binay!

Ilegal na tunawan ng gulong sa Licao-Licao, CSJDM Bulacan bakit nakalusot sa CENRO?!

MALALA ang respiratory disease ngayon sa bahagi ng San Isidro sa Licao-Licao, City of San Jose del Monte, Bulacan.

Bawat bata, bawat matanda, babae o lalaki ay hindi nakaliligtas sa salot na ‘POLUSYON’ mula sa ilegal na tunawan ng gulong d’yan sa area na ‘yan.

Tinutunaw ang gulong dahil nakakukuha rito ng langis na idine-deliver sa mga suki nilang barko at sa kompanyang New Hope sa San Simon, Pampanga.

Labis na nagtataka ang mga residente dahil libreng-libreng nakapag-o-operate ang tunawan ng gulong gayong kolorum at ilegal ito.

Walang pangalan ang kompanya at lalong walang permiso mula sa city government.

Minsan na umano itong naisumbong sa isang radio program kaya naipasara sa loob ng dalawang linggo lamang.

Pero sa hindi malamang kadahilanan, after two weeks ay back to normal na naman ang operas-yon ng tunawan ng gulong.

Happy na naman sila!

Ayon sa ating impormante, isang Koreano na kilala sa tawag na KONG HA ang tarantadong operator ng nasabing tunawan ng gulong.

Para walang bulilyaso, ang kinuhang trabahador ni Kong Ha ay mga residente sa nasabing area na walang trabaho.

Sa gabi nila ginagawa ang pagtutunaw ng mga gulong kaya hindi nakatutulog ang mga residente dahil sa napakabahong amoy.

Ang pinakahuling perhuwisyo na nangyari sa nasabing area nitong nakaraang buwan ay nang magsalin ng langis pero nasunog ang truck at na-damay ang dalawang bahay at ang kotse ng isang pulis.

Aba ‘e gumastos umano ng P2 milyon ang nasabing Koreano para bayaran ang mga nasunugan kasama na ang kotse ng pulis.

CSJDM Health Department, City Environment and Natural Resources Office (CENRO) at Bureau of Permits imbestigahan ninyo ang pamamayagpag ng iligal na tunawan ng gulong na pag-aari ng Koreanong si Kong Ha?!

Marami na po ang nagkakasakit sa bahaging iyan ng inyong lungsod.

Huwag kayong pakaang-kaang!

Parking fee sa QC City Hall area kanino/saan napupunta!? (Raket ni alyas ‘Ulo’)

MARAMING mga abogado na private practitioner at transacting public ang nagtataka sa parking system d’yan sa Quezon City Hall of Justice.

Nagtataka sila kung bakit may bayad ang parking area gayong ang lupa ay pag-aari ng gob-yerno.

Naniningil ang mga parking boy pero wala naman resibo na ibinibigay!

Ang unang tanong, kanino o saan napupunta ang ibinabayad ng mga motorista sa tuwing magpa-park sila sa QC City Hall at sa Hall of Justice?!

Dapat libre ang public parking …pero bakit nagpapakolekta ang isang alyas ULO diyan sa city hall ng parking fee?!

Mayor Herbert “Bistek” Bautista, kilala mo ba si alyas ULO na lagi umanong ginagamit ang pangalan mo?!

Pakisudsod na nga kung sino ‘yang si alyas ULO, Mayor Bistek!

Talamak na bentahan sa C.M. Recto ng mga nakaw na cellphone at camera (Tongpats ang MPD PS3)

SIR sumbong ko lang po talamak na benta-han ng mga nakaw na celphone, portable camera at tambayan pa ng mga holdaper at bagsakan pa ng kanilang mga nakuha ang lugar ng C.M. Recto dto sa dalawang sinehan na sakop ni Ch. Li-sing at protektado ng MPD 3 PCP Plaza Miranda kasama ang ilang opisyal ng barangay at may tongpats din ang GAIS, DIID, theft and robbery at ilang matataas na opisyal ng Manila City Hall ang protector. Pls hwag lang po ilagay cp po bka mapag initan po ako dto sa lugar. Kyo na bahala sir. +63929288 – – – –

Desmayado kay Binay

Ka Jerry, dapat hindi na magsuot ng uniporme ng Boy Scout si Binay. Hindi ba cya nahihiya sa mga nabulgar na kayamanan n’ya? Masama cyang ehemplo sa mga boy scout. +639157550 – – – –

Bantayan ang Top Emperor Club

GOOD am sir Jerry, nabasa ko po sinulat n’yo sa Top Emperor Club. Dati po ako GRO d’yan pero umalis ako dahil pinipilit ako gumimik ng floor manager sa costumer nla Chinese na parang nakashabu. Natakot ho ako kaya hndi n ko pumasok. Pls tago n’yo number ko. +63916383 – – – –

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *