TAMA ang tinuran nina Luis Manzano, Billy Crawford, Marvin Agustin, DJ Durano, atMatteo Guidicelli gayundin ng direktor na si Wenn Deramas na mas maganda ang Moron 5.2ngayon. Paano’y kuwela talaga ang pelikulang ito.
Wala ngang tigil sa katatawa ang mga tao sa premiere night ng Moron 5.2 na ginanap sa SM Megamall. Bagay talaga sa lima ang role na tanga na animo’y hindi umaarte at natural na natural. Kahit kami’y hagalpak sa katatawa dahil nakatutuwa naman talaga ang pelikula. Nakatitiyak kaming papatok ang pelikulang ito.
Nakatatawa ang mga batuhan ng dayalog ng limang bida na para lang silang nag-uusap ng wala sa camera dahil hinahaluan nila ng mga pangyayari sa kanilang buhay. Pinagtrip-an sa punch line ang pagkakakulong ni Billy at hagalpakan talaga ang mga tao. Gayundin ang mga personal nilang buhay tulad ng kay Matteo kay Sarah Geronimo at Mommy Divine.
Pero naawa kami sa tinuran nila kay Matteo na kapag hindi raw pumatok ang Moron 5.2ngayon, ito ang sisisihin dahil ibig sabihin, ito ang malas dahil super hit nga naman ang part 1 ng pelikulang ito.
Kung gusto n’yong maaliw, tamang-tama ang pelikulang ito. Kaya watch na kayo this Wednesday.
ni Maricris Valdez Nicasio