PROSISANG impormasyon ang ipinaabot sa inyong lingkod hinggil sa muling pagbubukas ng XTV KTV Bar d’yan nakatago sa likod ng Hobbies sa Macapagal Blvd., Pasay City.
Kung hindi po tayo nagkakamali, ito ‘yung KTV bar na dati nang ni-raid ng Pasay City police dahil nag-o-operate na walang business permit at at nahulihan pa ng Chinese prostitute. Pero sa hindi malamang dahilan ‘e hindi na raw nakarating sa presinto ‘yung mga Chinese prostitute at naglaho na lang bigla.
Sa muling pagbubukas ng XTV KTV Bar, balik na naman sa dating gawi ang kanilang operasyon.
Ibig sabihin naririyan na naman ang mga Chinese prostitute. At hindi lang Chinese prostitutes, may sugalan (mah-jong) sa loob, tambayan din umano ng mga hinihinalang miyembro ng Chinese drug syndicate.
Ibig sabihin, malaki rin ang posibilidad na mayroong nagaganap na shabu trading sa nasabing KTV Bar.
Paging PDEA chief, Director general Arthur Cacdac!
Paging DOJ-IACAT!
Paki-check lang ang XTV KTV Bar na ‘yan sa Macapagal Blvd.!