Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kabuscorp De Laguna FC, gustong sundan ang yapak ng Azkals

 

ni Roldan Castro

110314 kabuscorp De Laguna FC

PATALBUGAN sina Ellen Adarna, Meg Imperial, at Solenn Heussaff dahil sila ang pantasya ng mga football players na Kabuscorp De Laguna FC sa pangunguna ni Zeferino Fielda Silva. Makulay ang life story ng bawat miyembro ng grupong ito na pinaplano ngayong gawing indie movie.

Pinaplantsa na ng kanilang manager/movie producer na si Angel Chan na isapelikula ang buhay ng mga player sa tulong ng kanilang head coach na si Eliezer Fabroada. Si Ms. Angel ay dating member ng all female group na naka-focus ngayon sa sports.

Kung ang Azkals ay nakilala sa football, gusto rin ng Kabuscorp De Laguna na makilala sa larangang ito at sundan ang yapak ng Azkals. Kung ang Azkals daw ay may Angel Locsin dati dahil naging girlfriend ni Phil Younghusband, sila naman ay may Angel Chan din na sumusuporta at tumutulong sa Kabuscorp De Laguna FC. Nabuo ang team dahil kay Ms. Angel at Fiel. Ang purpose nila ay maka-enter sa Second Division UFL (United Football League), professioal league sa Pilipinas. At ‘pag may napatunayan na sila at strong na sila sa paglalaro papasok na sila sa first division.

Kamakailan ay napanood namin ang laro ng Kabuscorp De Laguna FC sa First Mabuhay 8-Aside Futbol sa Ascom, Fort Bonifacio at nag-champion sila. May potensiyal ang grupong ito na galing sa iba’t ibang lugar ang members gaya ng Palawan, Iloilo, Laguna, Cavite atbp.. Sa ngayon ay puspusan ang kanilang practice.

Kamakailan ay nag-charity rin ang Kabuscorp De Laguna FC sa Sta. Cruz, Laguna at namigay ng groceries, nagpakain at nag-donate ng bola. Part daw ito ng objective ng grupo na tumulong sa mga nangangailangan bukod sa paglalaro ng football.

Sey nga ni Fiel, gusto nilang i-share at ituro ang kanilang experience sa football sa mga bata.

May suporta ba ang government ng Laguna sa Kabuscorp? Ang nagbibigay daw sa kanila ng moral support ay ang Laguna Football Association

Sosyal!

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …