Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Regalo ni Kim sa birthday ni Coco, ayaw ipagsabi

ni Dominic Rea

103114 coco kim

HINDI namin maiwasang hindi purihin ang galing ni Kim Chiu bilang isang aktres. Ibang klaseng Kim Chiu kasi ang aming napanood sa katatapos lang na seryeng Ikaw Lamang.

“’Yung sa book one po, aminado naman po akong nabigatan po ako sa karakter ko roon dahil isang iyaking asawa, binubugbog, kawawang asawa, ‘yung ganoon na ang bigat talaga.

“Sa book two naman, ‘yun, mas gusto ko na ‘yung karakter ko kasi kikay na ako, slight, magaaan siya talaga na halos lahat naman nagsasabing bagay sa akin ang ganoong role. Ang saya lang dahil nairaos ko namang mabuti ang karakter ko, marami naman ang natuwa sa naging performance ko, sabi ko nga, sobrang happy na rin ako kasi na-appreciate nila ‘yung ginawa naming effort para sa serye at saka, sobrang thankful ako as always sa ABS-CBN at sa Dreamscape family ko sa tiwala nila sa akin bilang isang aktres,” mahabang paglalahad pa sa amin ni Kim.

Aminado si Kim na sa ilang buwang pakikipagtrabaho niya kay Coco Martin ay napakarami niyang natutuhan sa aktor!

“Sobra! Nakita ko kung paano siya ka-dedicated sa kanyang work, kasi, kaya pala nasa isang sulok na siya, naku, huwag ka na magtaka, pinag-aaralan niya na pala ang karakter niya, tutok siya and ‘yung professionalism at pagmamahal din ni Coco sa kanyang work, sobra! Bilib na bilib ako kay Coco!” kuwento pa ni Kim.

Sa nalalapit na kaarawan ni Coco, ano naman ang kanyang regalo sa aktor?

“Secret na muna! Basta! Ayokong ipagsabi kasi wala ng sorpresa ‘di ba? Secret muna!” tsika pa nito sa amin.

Well, asahan na natin ang mas matitinding proyekto for Kim sa bakuran ng ABS-CBN.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …