Wednesday , December 25 2024

Matagal nang ‘di konektado sa Police Files TONITE si Norman Araga

NAG-TEXT at tumawag sa akin kahapon si Atty. “Waray” Evasco ng G. Evasco and Associates Law Office.

Tinatanong niya kung may reporter kaming Norman Araga. Kasi ang taong ito raw ay kasama ng NBI na pinamumunuan ng isang Darwin Francisco na nang-raid sa bahay ng isang Ms. Santos sa A. Sakat Road, Panungyan 1, Mendez, Cavite noong Marso 14, 2014.

May dala raw na search warrant ang grupo para sa umano’y mga ilegal na baril. Tapos nagkataon na nasa bahay ni Ms. Santos ang mga bayaw niyang Chinoy na sina Daniel at Reynato Sijuela at sila’y tinaniman ng ebidensya na shabu at binitbit, kulong hanggang ngayon sa NBI.

Ang mga baril na subject ng search warrant, ayon kay Atty. Evasco ay mga lisensiyado, legal. Ang nagpatagal daw sa kaso ay ang planted na droga.

Ipinawalang-saysay na raw ng Naic RTC ang search warrant na ginamit nina Francisco, pero nag-Motion for Recom pa sila.

At kaya naman naitanong ni Atty. Evasco kung tao namin itong nagpakilalang Norman Araga ay dahil ito raw ang pumirma para maging legal ang raid ng grupo nina NBI Agent Francisco.

Well, si Norman Araga ay June 2013 pa hindi konektado sa Police Files TONITE. Nag-AWOL po siya. At ang kanyang trabaho sa aming tanggapan noon ay driver pero nagko-contribute din ng mga piktyur.

Pasalamat tayo kay Atty. Evasco sa kanyang pagkakatawag sa amin at nalaman namin na si Norman Araga pala ay patuloy na ginagamit ang aming pahayagan sa kanyang mga kalokohan.

Again, last year pa nag-AWOL sa Police Files TONITE si Norman Araga!

Si ex-Vice Mayor Mercado ang dapat hinamon ni VP Binay ng debate

Ayon kay Senador Alan Peter Cayetano, si Makati ex-Vice Mayor Ernesto Mercado ang dapat hinamon ng debate ni Vice President Jojo Binay dahil siya ang nag-aakusa ng katiwalian noong alkalde pa siya ng Makati City.

“Kami ni Senador Trillanes (Antonio) ay nag-iimbestiga lamang,” sabi ni Sen. Cayetano sa panayam ni Gerry Baja sa programang ‘Garantisadong Balita’ sa Teleradyo ABS/CBN DZmm kahapon ng umaga.

Tama si Cayetano. Bakit nga naman si Trillanes ang napiling gustong maka-debate ni VP Binay e si Mercado ang nag-aakusa ng kanyang mga katiwalian noong alkalde siya ng Makati City.

Si Mercado ang nagpaputok ng overpriced Makati Parking Building, Ospital ng Makati, overpriced cake ni Sen. Nancy Binay sa senior citizens, katiwalian sa biddings sa mga proyekto ng Makati, mga tagong kayamanan ni Binay tulad ng ‘Hacienda Binay’ sa Rosario, Batangas, hacienda sa Tagaytay City at marami pa.

Ang mga akusasyong ito ni Mercado laban kay Binay ang hinihimay ngayon ng Senate Blue Sub-Committee na binubuo nina Cayetano, Trillanes at Sen. Koko Pimentel.

Pero sa kabila ng 79 porsiyento ng mga Pinoy ang gustong harapin ni Binay ang imbestigasyon sa Senado ay nagmatigas pa rin ang Bise President na huwag humarap sa Senate prove.

Dahilan para bumagsak nang bumagsak ang trust ratings ni Binay na gustong maging presidente ng bansa pagkatapos ni PNoy. Tsk tsk tsk…

 

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *