Wednesday , December 25 2024

Huwag pag-initan ang Visiting Forces Agreement

HINDI sa kinakampihan ko ang US Marines na pumatay sa isang transgender na si Jennifer Laude sa nangyaring karumal-dumal na krimen na ginawa sa kanya.

Ang sa akin lang iayos natin sana ang issue dahil malaki rin ang nagagawang ambag ng Amerikano sa ating bansa lalong-lalo na kapag may kalamidad gaya ng Yolanda.

Nakakaawa naman kung masyado naman nating paiinitin ang visiting forces agreement.

Sa akin lang, tunay na dapat managot ang US Marine na gumawa ng ganitong krimen sa ating bayan dahil lumalabas naman talaga na inaapi tayo ng mga dayuhan na pumupunta sa ating bansa. Pero in fairness, sa mga Amerikano, mas mara-ming loko-loko at mga abusadong Koreano sa ating bansa.

Hinay-hinay lang kayo dahil aminin natin na kung wala ang America sa ating bansa lalong-lalo na tayong tatapakan ng China.

Kailangan pa rin natin ang America sa ating bansa.

Dapat rin na repasohin ang ibang provision ng batas ng visiting forces agreement.

Tama si Pangulong Noynoy na huwag naman tayong padalos-dalos sa mga pangyaya-ring ‘yan dahil ang isang tao ay hindi dapat ma-damay sa pangkalahatang problema.

Bakit nakapapasok sa bansa ang mga dayuhang pugante?

Dapat lang talaga na imbestigahan ng NBI ang Immigration dahil sa mga dumaraming fugitives at mga Koreano na may mga kaso sa ibang bansa na dito sila nagmumuni-muni sa Pinas.

Ito lang po ang aking mala-king katanungan.

Bakit nakalulusot sa ating bansa ang mga ilegalistang Koreano, Hapon, Intsik, Bombay sa ating bansa?

Ibig sabihin ba ay may tongpats at kakontsaba sa loob ng Bureau of Immigration?

GM Honrado katuwang ni Pnoy

Lahat ay ginagawa ni Pangulong Noynoy para maiayos ang lahat sa ating bansa lalo sa pagwawalis ng mga salbahe sa gobyerno.

Lalo pa nating suportahan ang Pangulo sa kanyang programang tuwid na daan na patutu-nguhan ng ating bansa.

Kaya naman todo-suportado siya ni MIAA GM Bodet Honrado sa lahat ng programa lalo sa pagsasaayos ng ating paliraparan. Kasama na ang pag-aalis ng mga anay sa airport gaya ng mga dating tao ng nakaraang administrasyon.

Kaya bilib pa rin tayo kay Pangulong Noynoy at GM Bodet Honrardo dahil ‘di sila tumitigil sa pagtatrabaho para lalong maging maayos ang lahat sa ating bansa.

Depcom Ariel Nepomuceno asset ni Pnoy sa Customs

Sa Bureau of Customs naman ay patuloy pa rin na maganda ang performance ni BoC Depcom for Enforcement ARIEL NEPOMUCENO.

Mandato niya ay makatulong sa tuwid na daan ni Pangulong Noynoy.

Si Depcom Nepomuceno ay isa sa haligi ng Aduana ngayon at lalo pa niyang pinagtitibay ang kanyang nasasakupan sa tulong ng kanyang matitikas na opisyales at tauhan sa BoC-ESS.

Maraming pagbabago sa Customs police at X-ray unit simula noong pamunuan niya ito. Na-ging maayos ang takbo at maraming natakot na gumawa ng kalokohan sa Aduana lalo na ang mga smuggler.

Sa X-ray unit ay lalo pang pinagbubuti ang kanilang trabaho sa pamumuno ng kanilang hepe na si Atty. Rolly Tacub.

Mabuhay kayo mga sir. Keep up the good work.

Collector Ed Macabeo keep up the good work!

Maraming pumupuri ngayon sa pamamalakad ng magaling na Customs NAIA district Collector Ed Macabeo sa kanyang nasasakupan.

Sa kanyang pagiging humble at magaling na pakikitungo sa kanyang mga tauhan at sa tran-sacting public kaya lahat ng programa at reporma ni BoC Comm. Sevilla ay nai-implement niya.

Marami na silang accomplishment at mga huling kontrabando dahil sa pagiging alerto ng kanyang mga tao sa ESS at CIIS.

Kaya keep up the good work Collector Macabeo.

Mabuhay ka!

Jimmy Salgado

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *