ni ROMMEL PLACENTE
WALA nang plano si Aga Mulach na pasukin ang politika. Sa tingin niya raw kasi ay hindi ito para sa kanya.
Matatandaang noong 2013 elections ay tumakbo si Aga bilang congressman para sa fourth district ng Camarines Sur sa ilalim ng Liberal Party. Pero hindi siya ang pinalad na manalo kundi ang nakalaban niyang si William Fuentebella ng Nationalist People’s Coalition.
Sa pagkatalo ni Aga kay Fontabella ay nagsampa siya ng kaso laban dito dahil sa umano’y discrepancy sa bilangan ng boto. Pero sa bandang huli ay nagdesisyon si Aga at ang kampo nito na i-withdraw na lang ang kaso na naging dahilan para iproklamang winner si Fuentabella.