BAGUIO CITY – Hinihinalang isang estudyante ang nagpadala ng bomb threat sa Saint Louis Universty (SLU) dahilan para ma-dismiss nang maaga ang klase ng mga estudyante sa naturang unibersidad sa lungsod ng Baguio kamakalawa.
Ayon sa mga guro ng unibersidad, huli na nilang nabasa ang email kaya agad nilang dinismiss ang klase ng mga estudyate para sa seguridad.
Sinabi nila, katatapos lamang ng eksaminasyon at hinala nila, ang isang estudyante na bagsak sa exam ang nagpadala ng bomb threat sa kanila.
Napag-alaman, sa pamamagitan ng email dinaan ang bomb threat na nagsasabing may bomba na dala ng isang estudyante o kaya ay nakalagay sa isang sasakyan na nakaparada roon.
Matatandaan, ngayon quarter ay sunod-sunod ang bomb threat sa iba’t ibang paaralan at establisemento sa lungsod ng Baguio.