NASUNOG ang tatlong passenger car ng SM MOA Eye Ferris Wheel sa Seaside Boulevard, Pasay City dakong 10 a.m. kahapon.
Ayon kay Pasay Fire Marshall Chief Inspector Douglas Guiab, napansin ng operator ang usok sa wiring na nagsusuplay ng koryente sa ferris wheel habang nagsasagawa ng test run.
Walang sakay na pasahero ang ferris wheel nang mangyari ang sunog at wala rin nasaktan sa insidente.
Tigil operasyon muna ang nasabing ferris wheel.