ISA ang patay habang anim ang sugatan sa naganap na ambush sa Imus, Cavite dakong 5:30 p.m. kamakalawa.
Kinilala ang napatay na si Isnahaya “Durian” Pangandapon.
Kasama siya sa grupo ng konsehal ng barangay na si Bami Adjihasis na lulan ng isang Toyota Innova (WQD-945).
Ayon kay Senior Supt. Joselito Esquivel, Huwebes ng madaling araw nang magkasa sila ng operasyon para tugisin ang lider ng Macatiwas group na si Macatiwas Misug, at nagsilbing witness ang konsehal. Dakong hapon, habang pauwi galing ng istasyon ng pulis si Adjihasis nang tambangan sa tapat ng Robinson’s Imus sa Aguinaldo Highway ang nasabing sasakyan na lulan din ang iba pang mga biktima.
(BETH JULIAN)