KORONADAL CITY – Isa ang namatay nang malunod sa baha sa lalawigan ng Maguindanao dulot nang malakas na pagbuhos ng ulan simula pa kamakalawa.
Ayon kay Buldon Mayor Abolaiz Manalao, dalawang tulay sa kanilang bayan ang nasira nang umapaw ang tubig baha at dahil na rin sa sobrang lakas ng agos.
Habang umabot sa 10 barangay ang binaha sa bayan ng Sultan Kudarat, at apektado rin ang ilang barangay sa Cotabato City, nagdeklara ng suspension of classess ang elementary schools sa nabanggit na lugar.
Sa ngayon, umabot na sa mahigit 10,000 indibidwal ang apektado ng baha sa buong lalawigan ng Maguindanao kasama na ang Lungsod ng Cotabato.