Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

JaDine, bibida sa Wansapanatayam: Presents My App Boyfie

092514 jadine JAMES NADINE

00 fact sheet reggeejadineFINALLY, mapapanood na ang JaDine loveteam ngayong Sabado, Setyembre 27 sa month-long special ng Wansapanataym:  Presents My App Boyfie na pangungunahan nina James Reid at Nadine Ilustre kasama si Dominic Roque.

Mula sa hit Wattpad series na isinulat ni Noreen Capili, tampok sa Wansapanataym Presents My App Boyfie ang kuwento ni Anika (gagampanan ni Nadine), isang dalagang hindi pa nararanasang magkaroon ng boyfriend.

Ngunit magbabago ang lahat para sa kanya nang mabuhay ang “dream boy” niyang si Jowa (gagampanan ni James) na nilikha niya gamit ang isang application sa kanyang mahiwagang tablet computer.

Makakamit na ba ni Anika ang inaasam na pagmamahal sa pamamagitan ni Jowa? Ano ang kanyang gagawin sa oras na mawala ang tablet na naglikha sa kanyang “app boyfriend?”

Tampok din sa Wansapanataym Presents My App Boyfie sina Cherie Gil, Malou Crisologo, Ingrid dela Paz, Jazz McDonald, Marco Pingol, at Elise Joson, mula sa direksiyon ni Jojo Saguin.

Bukod sa My App Boyfie, isinulat din ng best-selling author na si Noreen ang mga librong Parang Kayo Pero Hindi at Buti Pa Ang Roma May Bagong Papa. Isa rin siya sa mga writer ng hit Dreamscape teleseryes tulad ng Walang Hanggan, Mirabella, My Binondo Girl, Katorse, at Aryana.

Ang original story book ng batang Pinoy na Wansapanataym ay sa ilalim ng produksiyon ng Dreamscape Entertainment Television, ang grupong lumikha ng mga de-kalibre at top-rating TV masterpiece gaya ng Walang Hanggan, Ina Kapatid Anak, at Juan dela Cruz.

Huwag palampasin ang pagsisimula ng Wansapanataym special nina James at Nadine ngayong Sabado, 7:15 p.m. pagkatapos ng Home Sweetie Home at Linggo (Setyembre 28), 7:00 p.m. pagkatapos ng Goin’ Bulilit sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndot.com.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …