Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Suot ni Daniel sa Star Magic Ball, inokray ni Mo

091114 daniel padilla mo twister

ni Alex Brosas

AYAW pa ring tigilan ni Mo Twister ang showbiz. Talagang nagpapapansin siya sa social media.

Apparently, nakita niya ang mga photo na kuha sa Star Magic Ball kaya naman nag-react siya. Inokray ng bansuting TV and radio host si Daniel Padilla. Apparently, hindi niya type ang red suit na suot ni Daniel kaya naman inokray niya ito sa kanyang Twitter account.

“I spent 3 hours today breaking down outfits at the Star Magic Ball. I should be euthanized. (Note: what the fuck was Daniel Padilla wearing?)” say ni Mo.

Mayroon naman siyang point kung ang pag-uusapan ay ang black, white and silver theme ng ball. Nakakaloka nga namang umapir si Daniel in a red outfit.

“eh kasi naman. bakit nga ba kasi red na red?.. eh black, white, silver ung theme.. anong paandar? .. may pa-cane-cane pa..kesyo natapilok daw, pero over-over sa naglalakihang singsing to compliment the cane kuno. ay nako. hanap attention lang siguro kasi natatakpan na sya ng mga ibang celebrities. kelangan gumawa ng ingay. dapat di na pinapasok sa ball yan eh, mali ung suot. agaw eksena masyado,” reaction ng isang kumampi kay Mo.

“Tanong ko lang din ito bakit kasi naka red? Kaya nga may theme. Wag nalang sila gumawa ng theme kung may lalabag din pala. Di porket sikat ka lalabag kana, pasaway talaga si daniel padilla kaya nagrereflect sa mga fans niya ang ugali niya. Tsk tsk,” say naman ng isa pa.

Of course, si Mo ay binatikos din.

“Si Mo, intindihin nyo na lang yan.syempre na mimiss dn nya ang limelight.kaya may oras sya sa ganyan.lol”

“’Di ako fan mi daniel at never naman akong magiging fan nyan. Pero mas never ko nman ma te take ang papansin na midget na yan. Di kayang mag salita ng masama sa ibang alam nyang papatulan at uupakan sya kaya parang babae na puputak sa mga di sya papatulan.”

Ayan, patol ka kasi nang patol kahit wala ka na sa showbiz kaya iyan ang napala mo!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …