HORROR naman ang tema ng pelikula ni direk Wenn V. Deramas na pasok pa rin sa 20th year celebration ng Star Cinema.
Dahil Maria Leonora Teresa ang titulo nito, marami ang nag-akala, lalo na ang mga Guy and Pip fans na may konek ito sa mga pangyayari sa buhay ng kanilang idolo o sa sumikat nilang manika as a token of their love for each other.
Pero sabi ni direk Wenn, pati na ng sumulat ng istorya nito na si Keiko Aquino—pangalan lang ng sumikat na manika ang kanilang ginamit dahil sa pelikula, nabuhay ang tatlong manika sa katauhan ng tatlong batang nasawi sa isang field trip. Na sa istorya eh, mga anak sila nina Iza Calzado, Jodi Santamaria, at Zanjoe Marudo.
Para makaahon sila sa kasawian sa pagkawala ng mga mahal sa buhay, isang psychiatrist ang nagbigay ng solusyon sa kanila (Cris Villanueva) sa pamamagitan ng mga manikang kamukha ng mga anak nila.
Samantala, may nagtanong kay direk Wenn kung ibinase ba niya ito o naging peg ba niya ang istorya ng isang aktres na dalawang beses nawalan ng anak at ibinaling sa mga manikan(stuff toys actually) na tatlo rin ang puso ng pelikula.
“Napaka-insensitive ko naman kung ‘yun ang ginawa ko. Matagal ng naka-peg ang istoryang ito at naghintay lang ng tamang panahon. Alam ko man o hindi ang nangyari sa tinutukoy niyong aktres, isa siyang kaibigan, pati ang asawa niya kaya hindi ko gagawin na pag-basehan ang istorya ng personal nilang buhay sa trabaho ko. May mga ginawa ring research ang team namin dito. At gaya ng sabi ni Keiko, sa Amerika mayroong gumagawa nito na nag-iiwan ng manika sa pintuan ng mga nawawalan ng mahal nila sa buhay. Ang istorya namin nagkaroon ng twist dahil nabuhay ang mga manika. At malalaman na lang natin sa ending kung bakit ganooon ang nangyari sa kanila.”
KUYA BOY, ‘DI NA NAGALIT SA MGA TAONG NAGKALAT NG BALITANG PATAY NA S’YA
HINDI napigilan ng King of Talk na si Kuya Boy Abunda na isiwalat ang kanyang kahinaan on national television nang isalaysay ang pinagdaanan niya na may kinalaman sa kanyang kalusugan at ang kaisa-isang hiling niya sa Panginoon.
Hindi na umariba ang galit nito sa mga taong nagkalat ng maling balita sa kanyang kalagayan na ang iba pa nga eh, pinatay siya.
Pero sa pakikipag- usap nga raw niya sa ating Panginoon habang pinabubuti na ng kanyang mga doktor ang kanyang kalagayan, isa lang ang hiling niya—na huwag ipahintulor ng Panginoon na ang kanyang ina ang magpalibing sa kanya dahil hindi niya kakayanin ito.
Ngayong natanggal na sa kanyang atay ang 300 ml. ng abscess (nana), raring to go back to work na ang King of Talk!
TAGUIG, NEGANG LUGAR SA MGA IT’S SHOWTIME HOSTS
ALAK na naman ang itinurong salarin sa sinapit na pagwawala ni Billy Crawford sa estasyon ng pulis sa Taguig kamakailan.
Kaya naman sinampahan ng kaso ang singer-actor ng mga opisyales sa nasabing estasyon na binasag niya ang salamin sa opisina at nanlaban nang inaresto siya ng mga ito na siya rin naman ang nagdala sa sarili niya roon.
May pinagmulan ang pagwawalang ito ni Billy mula sa inuman niya kasama ang mga kaibigan. Dahil ang mga salita nga nito eh, kaysa siya ang makasakit pa eh, siya na ang pumunta sa presinto.
Na-detain si Billy. Pero nakapag-post na rin ng bail.
Ano raw kayang ka-negahan mayroon ang nasabing lugar at madalas na masangkot sa mga hindi magagandang pangyayari ang ating celebrities kahit noon pa man?
Anuman daw ang pinagdaraanan ni Billy—sana raw eh, maisaayos na niya at marami ang manghihinayang kung matatalo siya ng kung anuman ‘yun!
Sino pa ba ang matitira sa Its Showtime kung tuluyan silang mawawala nina Vhong (Navarro), Vice Ganda, isama pa si Anne Curtis!
‘Wag ilagay ang alak sa kung saan-saan!