Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

James Reid, hanggang shirtless lang muna (Love team nila ni Nadine Lustre mapapanood sa “MyAppBoyfie” ng Dreamscape)

090514 jadine

ni Peter Ledesma

LET’S admit marami talaga ang mga nagpapantasya ngayon sa bagong matinee idol na si James Reid. Lahat halos ng bading na kausap namin ay crush si James at kahit sa ilusyon lang ay type nilang makasama kahit isang gabi lang ang super hunky young singer-actor.

Nagsimulang pag-ilusyonan si James dahil sa mga topless niyang mga eksena sa blockbuster movie nila ng kalabtim na si Nadine Lustre na “Diary Ng Panget” at sa patuloy na pinipilahan ngayon sa takilya na “Talk Back And You’re Dead” na produced ng Viva Films at Skylight Films. Balitang as of press time ay humamig na ng P80 million ang pelikula.

Doon naman sa mga nagtatanong at umaasang makitang naka-trunks lang ang idol nilang si James. Ayon sa actor, bata pa siya at 21 lang kaya hanggang pagpapakita lang ng ‘abs’ ang kaya niyang gawin sa ngayon.

Samantala abangan ang love team nila ni Nadine dahil binigyan sila ng solong show ng Dreamscape Entertainment ni Sir Deo Edrinal. Ang title ng kanilang teleserye ay “MyAppBoyfie” na based sa Wattpad original story ng popular writer na si Noreen Capili. Makakasama nila sa show ang isa pang Kapamilya hunk actor na si Dominic Roque na protegee ni Judy Ann Santos.

Well kung kinagat ang JaDine love team sa pelikula. Sa dami ng fans nila ay siguradong maghi-hit rin sila sa TV.

Oo naman gyud!

SINO KINA PATRICK (PAULO) AT MANG MAGNO(EDDIE) ANG MAKATUTUKLAS SA TUNAY NA PAGKATAO NI EMMANUELLE SA SBPAK

Every night ay mas intense ang inyong mapapanood na episode sa isa sa toprating teleserye sa Primetime Bida ng Kapamilya network na Sana Bukas Pa Ang Kahapon.

Sa latest episode ng SBPAK ay nasampahan na ng kaso sa fiscal nina Ruth Gaspar (Susan Roces) at Leo Romero (Albert Martinez) si Patrick (Paulo Avelino) na suspect nila sa pagpatay sa daddy ni Rose (Bea Alonzo) na si Henry Buenavista.

Anonymous ang nakalagay sa complainant dahil ayaw ni Leo na malaman ni Patrick na may kinalaman sila ni Rose o Emmanuelle sa pagsasampa ng kaso laban sa kanya.

Nakuha uli ni Rose ang loob ni Patrick lalo na nang pakinggan niya ang mga paliwanag nito kung bakit nandoon siya sa Buena Croillo nang gabing paslangin ang kanyang amang si Henry.

Kaya lang nakita sila ni Patrick na nag-uusap ng Lolo niyang si Magno (Eddie Garcia). Lumabas sa TV si Mang Magno para magpa-interview at hinamon nga si Patrick na ilabas ang totoo sa krimeng nangyari kay Henry.

Dahil dito, duda siya na magkasabwat sina Emmanuelle at Magno at may kinalaman ang dalawa sa kaso niya. Sumugod siya sa bahay nina Emmanuelle at Leo at nagkaroon sila ng enkuwentro ni Leo nang komprontahin niya si Emmanuelle sa nangyari.

Sa mga darating na episode ay abangan dahil unti-unti nang matutuklasan at madidiskubre ng lahat ang tunay na pagkatao ni Emmanuelle. Sino kina Lolo Magno at Patrick ang unang makaaalam na si Emmanuelle ay si Rose Buenavista?

Mapapanood ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon pagkatapos ng Ikaw Lamang sa ABS-CBN 2.

PIA GUANIO AT GIRL POWER STAND-OUT ANG PERFORMANCE SA DABARKADS HIP HOP DANCE CHALLENGE SA EAT BULAGA

Last Saturday, sa Dabarkads Hip Hop Dance Challenge sa Broadway Studio ng Eat Bulaga ay hanep ang ipinakitang performance ng “Girl Power” na kinabibilangan nina Julia Clarete, Pia Guanio, Ruby Rodriguez, Pauleen Luna at Isabelle Daza plus the special participation of FHHM grand finalist.

Big revelation itong si Pia na dati ay matigas ang katawan pero ngayon ang tindi gumiling at nagpakita pa ng malinis niyang pusod sa sexy dance number nila ng kapwa female hosts sa Bulaga.

Dahil sa bonggang-bonggang performance, tinalo ng Girl Power ang mga nakalaban sa challenge na Best Boys with Keempee, Ryan, Anjo, Michael V, and Allan K at sina Jose, Paolo at Wally mula naman sa Team Barangay na nasa Brgy. Wawa Tanay, Rizal noong araw na ‘yun. Wagi ng cash prize na 100 K ang Girl Power na lahat ay kanilang ibinigay sa EBest Scholar Project ng Bulaga. Ang Kapuso actor star na si Seff Cayadona, Dance Diva ng EB Dasuri Choi at Rei Prieto ang mga nagsilbing judge sa nasabing dance challenge.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …