Gud Eve po,
Anu po ba ang ibig sbhin kpag nanaginip ka ng nang hold up ako at nka patay aq? Sana ma replayan mu aq maraming slamat po (09302614397)
To 09302614397,
Kapag nanaginip na ikaw ay nanakawan, nagsasabi ito na nakararanas ka ng identity crisis o ng pagkawala sa iyong buhay ng isang mahalagang tao, bagay, o karanasan. Alternatively maaari rin namang nagsasabi ito na may nagnakaw o umagaw ng iyong tagumpay o umangkin ng kredito sa isang bagay na ikaw ang gumawa. Nagsasaad din ito na pakiwari mo ay hindi makatarungan ang naging pagtrato sa iyo ng iba.
Hinggil naman sa panaginip mong nakapatay ka, nagpapakita ito ng paglalagay mo ng katapusan sa isang old habit at paraan ng pag-iisip. Maaaring may kaugnayan din ito sa katapusan sa isang adiksiyon. Alternatively, nagsasabi rin ito na mayroon kang repressed aggression o rage sa iyong sarili o sa ibang tao. Kadalasan din na ang mga panaginip ng ukol sa murder ay madalas na nangyayari tuwing panahon ng depression.
Señor H.