Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Niño Muhlach, game maging stage father sa anak na si Alonzo

090314 alonzo Niño Muhlach

ni Nonie V. Nicasio

OKAY lang sa dating Child Wonder ng Philippine showbiz na si Niño Muhlach kung susunod sa yapak niya ang kanyang bunsong anak na si Alonzo. Matagal na naging child star si Niño, bukod pa sa pagiging movie producer din via his D’ Wonder Films.

Si Niño ang pinakasikat na child star sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino at maaaring sundan ni Alonzo ang career path ng kanyang erpat. Sa ngayon kasi, ang kanyang cute na cute at bibong anak ay tatlo-talo ang ginagawang pelikula, bukod pa sa TV show na ayaw pang banggitin ni Onin.

“Ang launching niya ay yung kay Vic Sotto, ‘yung My Big Bossing’s Adventures kasama niya si Ryzza Mae. Tapos kasama siya sa movie na The Trial with Gretchen (Barretto). Kasama niya si John Lloyd (Cruz), kapatid niya roon si Enriqure Gil, nanay niya si Maricar Reyes at tatay niya si Richard Gomez.

“Kasama rin si Alonzo sa pelikulang sa Kubot: Aswang Chronicle-2. Ninong niya in real life si Dingdong (Dantes).

“Bale sa Filmfest ay dalawa ang pelikula ni Alonzo, yung Kubot at iyong kay Vic Sotto,” saad ni Niño nang aming makapanayam recently.

Ayon pa kay Niño, okay lang kahit maging stage father siya, basta para sa kanyang anak.

“Okay lang! Kasi, ganoon talaga e, anak mo iyan e! Hindi ba?

“Akala ko dati, kapag nakakakita ako ng stage father, stage mother, nasasabi ko na parang, ‘Grabe naman ito! Pero, kapag anak mo pala talaga, talagang hindi maiiwasan iyong ganoon, e. Pero hindi naman ako iyong tipong magbabantay sa set, alam mo iyon?

“Although ngayon ay hinahanap pa ako ni Alonzo at hindi niya kayang mag-shooting na wala ako. Kasi, sa akin siya nagpapaturo, hindi siya nakikinig sa iba, e. So, kapag may shooting siya, kasama ako dahil ako ang nagtuturo sa kanya.”

Ngayon ay balak din daw ni Niño na mas maging active sa showbiz at posible rin siyang mag-direk ulit.

“May ginagawa akong mo-vie ngayon, iyong Mara, under ito sa Reality Media. Kasama ko sina Jasmine Curtis, Isabelle Daza, at Paulo Avelino. Working title pa lang iyan, pero I think ang lalabas na title talaga is Vampira.

“Kasali rin ako sa My Big Bossing’s Adventures. Actually, si Alonzo, siya iyong ipinalit ni Vic Sotto kay Bimby.”

Abangan si Alonzo at tingnan natin kung kaya niyang sumunod sa yapak ng kanyang Daddy Niño bilang pinaka-cute at pinakabibong child star sa ba-lat ng lupa!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …