Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ikakasal sa ex sa panaginip

00 Panaginip
Gud pm sir,

Nanagnip po ako na ikksal ako sa ex-BF ko, pero parang kumbga ay may gap kami dhil wlang formal break up s amin, kya mdalas iniiwsan ko sya dhil malpit lng haws nmin s kanila. Bkit po ba gnun? Slamat po-rosenda, wag nyo n lng papablish ang cell ko…!

To Rosenda,

Ang panaginip ukol sa kasal ay maaaring nagsasaad ng hinggil sa commitment, harmony o transitions. Ito ay nagpapakita rin na ikaw ay sumasailalim (o sasailalim) sa isang mahalagang kabanata sa iyong buhay. Ang panaginip mo ay posibleng nagsasabi rin ng pagsasama ng mga aspeto ng iyong pagkatao na noon ay magkakasalungat. Tignan ang mga katangian ng taong napanaginipan mong iyong pakakasalan o naging asawa dahil maaaring kailanganin mong isama sa iyong pagkatao ang mga karakteristik na ito.

Kapag nanaginip na nagpakasal ka sa ex mo, ito ay nagpapakita rin na tinanggap mo na ang mga aspeto ng inyong relasyon at natuto ka na sa mga nakalipas na pagkakamali na may kaugnayan dito. Alternatively, nagsasaad din ang bungang-tulog mo ng pagkakahawig sa kasalukuyang karelasyon (kung mayroon man), sa naging relasyon ninyo noon ng iyong ex o sa dating karelasyon. Gayunman, dahil alam mo na ang mga pagkakapareho o pagkakahawig na ito, ito ay nagsisilbing paalala rin sa iyo upang huwag nang maulit ang mga pagkakamaling nagawa noon na nagbigay sa iyo ng labis na sakit at pighati. Ang panaginip mo ay maaaring nagbabadya rin ng paparating na kaligayahan na mararanasan tulad ng sa isang maayos at buong pamilya. Subalit depende rin ito kung tunay at busilak talaga ang damdamin ninyo para sa isa’t isa ng lalaking magiging asawa mo eventually. Posibleng ang isa pa sa dahilan ng panaginip mo ay dahil may pagtingin ka pa rin sa dati mong kasintahan. Kung madalas kasi siyang laman ng iyong isipan, natural lang na malaki ang posibilidad na mapanaginipan mo siya. At ang posibleng dahilan din kung bakit siya laging nasa isip mo ay dahil may damdamin ka pa rin sa kanya. Subalit, maaari rin namang kaya sumagi siya sa panaginip mo ay dahil sa mga bagay na nag-trigger lang kaya siya lumabas sa iyong bungang-tulog. Ang mga halimbawa nito ay ang makita mo ang dating larawan ng iyong ex, maalala o makita ang dating regalong galing sa kanya, ma-meet o maalala mo ang mga dating kaibigan o kakilala ninyo, ang mapagawi ka sa lugar na madalas ninyong puntahan noon, ang marinig ang dating themesong ninyo at mga katulad nito. Ang panaginip mo ay maaaring nagsasaad din ng frustrations at disappointments sa iyong sarili o sa ilang mga sitwasyon na wala kang kontrol. Nagpapakita rin ito na mas nabibigyan ng diin ang repress at negatibong damdamin o nailalabas o naitutuon sa iba ang galit mo. Kailangang tignan at pagmalasakitan mo ang iyong sarili upang mas magkaroon ka ng kontrol sa iyong emosyon at mahanap mo ang tunay na kaligayahang nais mo.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …