Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nails.Glow, planong kuning endorser si Sarah Geronimo

082214 sarahg g

ni Nonie V. Nicasio

NAKAHUNTAHAN namin ang mag-asawang owner ng Nails.Glow na sina Ferdie and AJ Opeña sa birthday celebration ni katotong Roldan Castro at nalaman namin na ang dami na pala nitong branches.

Maganda ang success story ng mag-asawang Ferdie at AJ adahil nagsimula lang sila sa isang branch ng Nails.Glow noong 2009, pero ngayon ay around 35 branches na sila nationwide. Sa Metro Manila raw, aabot sa 25 ang branches nila.

Maganda ang tandem nila sa pagpapatakbo ng kanilang business. Paano ba nila ito nasimulan? “Unang-una, iyan ang passion naming mag-asawa, iyong magpa-spa. Tapos ako, number-one sa nails. So, sabi namin, titignan naming iyong demand,” saad ni Ms. AJ na siyang tumatayong General Manager nito.

Nilinaw pa niyang pang-masa ang level ng Nails.Glow. “Kasi kapag sinabing spa, parang pang-high end e. Pero kami, affordable talaga kahit sa mga housewife, students, o mga employee.”

Sinabi naman ni Mr. Ferdie kung bakit naging ganito ang name nila. “Kapag pumunta ka sa Nails.Glow, we won’t just provide you outside glow, but pati inner glow. So, mararamdaman mo iyong glow na ipo-provide ng aming services.”

Sa ngayon, kabilang sa mga celebrity na pinagpipilian nilang kuning endorsers ay sina Sarah Geronimo, Pauleen Luna, at Jennylyn Mercado.

“Ang napipisil namin, yung may exposure yung name dapat. So, usually ang mga singer ‘di ba, nagha-handle ng microphone? O kaya ay host, yun ang tina-target namin.

“Si Pauleen, kaya namin nakuha (sa inauguration ng isang branch), kasi may TV show siya, kaya may exposure siya sa network. Malaking network kasi kapag daily ang show mo.

“We’re eyeing Sarah Geronimo and also Jennylyn Mercado,” saad pa ni Mr. Ferdie.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …