Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lindol at sunog sa panaginip

00 Panaginip

Dear sir, gud pm,

Nagdream ako lumilindol daw po, taz, bigla nagkasunog naman, wat kaya po meaning ni2? Call me Bigbro, dnt post my cp no. tnx a lot..

 

To Bigbro,

Ang panaginip ukol sa lindol ay maaaring nagsasaad na ikaw ay nakararanas o makararanas ng malaking “shake-up” na magiging threat sa iyong stability at foundation. Ang ganitong uri ng panaginip ay kadalasang nagha-highlight sa iyong insecurity, fears, at sense of helplessness. May mga pagkakataon na ang nakakapanaginip nito ay nakadarama ng guilty feelings o may nagawang pagkakamali. Kung sa panaginip ng paglindol, ikaw ay nakahanap ng matataguan o mapapagkanlungan upang seguruhin ang iyong kaligtasan, ito ay nagpapahayag na malalagpasan ang mga darating na pagsubok. Kung ikaw ay nakaranas namang ma-trap o masaktan sa iyong bungang-tulog, posibleng nangangahulugan ito ng pagkawala ng ilang bagay sa iyong buhay. Ayon sa Bibliya, ang lindol ay simbolo ng galit ng Diyos at pagpapakita ng kapangyarihan. Kaya makabubuti rin na manalangin sa mga kasalanan at humingi ng kapatawaran sa Diyos at magbago ng hindi magagandang gawi, kapag nanaginip ng ganito.

Ang ukol naman sa sunog, depende sa konteksto ng iyong panaginip, ito ay maaaring sumisimbolo sa destruction, passion, desire, illumination, purification, transformation, enlightenment, o anger. Posible rin naman na nagpapahayag ito na something old is passing at something new is entering into your life. Ang iyong pag-iisip at pananaw ay nagpapakita rin ng pagbabago. Sa sitwasyon ng panaginip na kontrolado o nasa iisang lugar lang ang sunog, maaaring ito ay metaphor ng iyong internal fire at ng hinggil sa inner transformation. Ang panaginip na ganito ay maaaring metaphor din para sa isang tao na “fiery”. Ito ay posibleng nagre-represent din ng iyong drive, motivation, at creative energy. Alternatively, maaari rin namang ang tema ng panaginip mo ay isang babala sa mga delikado o mapanganib na aktibidad at ito ay literal na nagpapahiwatig ng paglalaro ng apoy.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

DOST Ilocos VAW

DOST Ilocos Region Deepens its Advocacy for a VAW-Free Philippines Through “ Orange your Icon” Event

Moving the region closer to a truly VAW-free community, the Department of Science and Technology …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

SM Foundation medical mission Olongapo

Social good partners, SM Foundation mount medical mission in Olongapo

Volunteers man the SM Foundation’s Mobile Clinic, providing assistance to patients undergoing electrocardiograms (ECGs) and …