Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kumusta Ka Ligaya (Ika-15 labas)

00 ligaya

PATUNGIO SA KTV BAR NANG BIGLANG SUMAGI SA ISIPAN NI DONDON ANG LUMIPAS NILA NI LIGAYA

“Bakit, Bossing?” puna ni Popeye sa pananahimik ni Dondon sa loob ng sinasakyang taksi.

“W-wala, Popsie… M-may naalala lang ako… ‘Yung dati kong syota…” tugon niya.

“Si Ligaya?” dugtong ni Popeye.

“Kumusta na kaya siya?” nasabi ni Dondon matapos hugutin sa dibdib ang malalim na hininga.

Buhay na buhay sa gunita ni Dondon si Ligaya. Magkasama sila ng dalaga na sa pagdiriwang noon ng kanyang ikalabing-anim na taon ng kapanganakan. Nagbaon sila sa pamamasyal ng pancit, pandesal at softdrinks. Pinagsaluhan nila iyon sa ibabaw ng malaking fountain sa tapat ng Philippine Postal Office sa Lawton. Pati puso niya ay nabusog nang todo sa nadamang kaligayahan sa piling ng dalaga. Nagsubuan sila ng pancit at nakipagsipsipan ng softdrinks sa paggamit nila ng iisang straw. Noon… ah, noon… sa mundo man pala ng mga yagit ay mayroon ding langit!

Mag-aalas-otso pa lang ng gabi ay nandoon na sina Dondon at Poyeye sa bahay-aliwan. Halos apaw na sa mga kalalakihang kostumer ang pinasok nilang establisim-yento. Kikindat-kindat ang neon lights na nagbibigay doon ng liwanag. Maasap sa usok ng sirilyo ang paligid. Mahaharot na tugtugin ang umaalingawngaw na nanggagaling sa music booth. Nasa isang panig iyon ng napakaluwag na espasyo ng bahay-aliwan na ginawang inuman/teybolan ng mga kostumer at ka-partner na GRO. Sa gawing dulo ay may mababang stage na pinagrarampahan ng mga sexy dancer. At sa dakong hatinggabi ay doon idinaraos ang “special show” na pampainit sa dugo ng mga tunay na barako.

Wala sa kondisyong uminom si Dondon. Maaga siyang nagyayang umuwi sa kainumang si Popeye.

“T-teka, Bossing… Panoorin muna natin maya-maya ‘yung special show,” diga sa kanya ng runner-alalay.

“Ano’ng espesyal du’n, Popsie? Iisa lang naman ang itsura ng mga babae ‘pag hubo’t hubad…” ani Dondon na tumapik sa balikat ni Popeye.

“Bossing, iba ang dating ng sexy dan-cer na ‘yun na pinaka-super star dito… At saka, Bossing… naipa-reserve ko na sa VIP ang chicks na ‘yun para sa ‘yo, e,” aniyang napakamot sa batok.

Napangiti si Dondon.

“Urot ka! Kampon ka nga talaga ni Ta-ning…” aniyang nangurot sa tungki ng ilong ni Popeye. (Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …