Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lovi, walang time para makipag-away

080714 lovi marian
ni John Fontanilla

MAS gusto na lang daw tumahimik ni Lovi Poe kaugnay sa napapabalitang feud nito sa girlfriend ng kanyang leading man na si Dingdong Dantes.

Ani Lovi, ”ayaw ko na lang magsalita about it kasi hindi naman talaga ako mahilig sa away, eh.

“I don’t wanna aggravate the situation. Nandito lang ako to give a good performance, nothing else.”

Idinagdag pa ni Lovi na,”It’s a waste of time. It’s a waste of energy.

“Ngayon, I’m just here, be professional. Nandito lang ako para magtrabaho. Hopefully, everybody can just be professional and mature about it.”

Ang taray ‘di ba?!

SHALALA, NAKAPAGPUNDAR NA NG MINI-GROCERY, BAHAY, AT SASAKYAN

NAKATUTUWA naman ang host/comedian na si Shalala dahil alam nito kung saan niya ilalagay ang mga kinita sa pag-aartista .At kahit nga ‘di tulad ng dati na sunod-sunod ang proyektong dumarating sa kanya ngayon ay happy na rin ang mabait na komedyano na hindi siya nawawalan ng raket.

Regular ding napakikinggan si Shalala sa kanyang radio program from Monday to Friday sa Radio Singko.

Ilan nga raw sa investments ni Shalala ay nakapagpagawa na ng bahay para sa kanya at sa kanyang pamilya, nakabili ng sasakyan, at ngayon ay mayroon na rin siyang mini-grocery na malapit sa kanila na tinututukan niya.

Pabiro nga nitong sinabi na boyfriend na lang daw ang wala sa kanya ngayon, anito nang makausap naming sa taping ng newest game show ni Richard Gomez sa TV 5 ang Quiet Please! Bawal Ang Mag-ingay! na magsisimulang mapanood sa Linggo, August 10 ng 8:00 p.m..

UNITED FASHION SHOW 2014, SA LINGGO NA!

MAGAGANAP sa August 10, Linggo, ang pagpapakilala sa newest endorsers via United Fashion Show 2014 ng Cardam‘s/Mario D Boro/Libertad, Robinsons Place Manila Midtown, Atrium 3:00-5:00 p.m..

Pangungunahan nina Richard Poon, Gretchen Ho, Arron Villaflor , Kim Rodriguez, at ng internet sensation UPGRADE (Kcee Martinez, Rhem Enjavi, Raymond Tay, Ron Galang, Armong Bernas, Miggy San Pablo, at Mark Baracael) ang fashion show.

Makakasama rin dito ang mga sikat na DJ na sina Kristine Dera, Mama Emma, Diego Bandido, Lyka Barrista, Raqi Terra, at Shai Tisai.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …