Sunday , December 22 2024

Ang gulong LTFRB!

00 aksyon Almar

PARA saan pa ang kampanya laban sa kolorum kung mismong LTFRB ang nagbibigay ‘proteksyon’ sa mga buwisit.

Teka, hindi pala mga kolorum kundi mga out of line. Aysus, pareho lang ‘yan, kolorum o out of line man, mga buwisit lang sa lansangan ang mga iyan at nagiging sanhi ng korupsyon.

Nitong Lunes, sinuspinde muna ng LTFRB ang kanilang kampanya laban sa out of line kaya, ang mga sasakyang mayroon mga prangkisa ay kahit saan-saan na lumilinya dahil libre naman silang kumilos at libre sila sa huli.

Kaya anong naging resulta? Nagkawindang-windang ang daloy ng trapiko.

Hindi lang ito, nagtuturuan pa ang LTFRB at ang MMDA.

Ewan, batid na nga ng marami na karamihan sa nakakaasidente ay mga kolorum o mga bumibiyaheng out of line, tapos heto ang LTFRB, sinusuportahan ang mga salot sa lasangan.

Kamakailan, sinuspinde ang Florida Lines dahil sa nahulog na bus nila sa Bontoc, Mt. Province. Sa pagkakaaksidente, natuklasang kolorum ang bus kaya, sinuspinde ang Florida – lahat ng biyahe ng Floridad ay sinuspinde ng 6 na buwan.

Maraming humanga sa ginawang ito ng LTFRB at lalo pa nilang pinaigting ang kanilang kampanya.

Upang tuluyan pang mawala ang mga kolorum o out of line, tinaasan ng LTFRB ang multa para sa mga mahuhuling kolorum. Ang multa ay P200,000 hanggang P2 milyon.

Sa kabila pa nga ng pag-angal ng mga public utility operator sa multa, hindi ito pinansin ng LTFRB. Pinanindigan ng LTFRB ang kanilang kampanya kaya, kaliwa’t kanan ang panghuhuli.

Pero ba’t kaya biglang kumambyo ang LTFRB ngayon? Tila pabor sila ngayon sa mga kolorum. Aba mukhang lumansa yata ang amoy sa paligid-ligid ng LTFRB.

Ano kaya klaseng lambingan blues ang nangyari at ‘ibinasura’ pansamantala ng LTFRB ang kanilang kampanya?

Nakita naman natin kung paano ipinagtatanggol ng LTFRB ang kanilang mali – ipinagpipilitang tama ang “out of line.”

Walang ipinagkaiba sa amo niyang si PNoy, ipinagpipilitang tama ang ilegal – DAP na ilegal ay ipinagpipilitang legal.

Mag-amo nga kayo pero, si MMDA Chairman Francis Tolentino – amo din niya si PNoy ngunit, kakaiba siya sa kanyang amo. Hindi tulad ni LTFRB Chairman Gines na lumilinya sa “out of line.” Kunsabagay nga e, si PNoy ay luminya din ng “out of line” sa ginawang pakikialam sa savings.

Ano pa man, pababayaan na lamang ba ang problema sa trapiko sanhi ng pagbibigay ng proteksyon ng LTFRB sa mga kolorum o out of line? Dapat usisain mabuti ang pansamantalang pagbabasura sa paghuli sa mga out of line. Oo baka may kumita kasi sa mga naglalakihang kampanya ng bus.

Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *