Tuesday , November 5 2024

Enchong, JC at Erich katuparan ng pangarap ng multi-awarded director na si Laurice Guillen

080614 enchong JC Erich Laurice

ni Peter Ledesma

Kilala si direk Laurice Guillen sa pagawa ng mga quality movie. Dekada 80 nang sumikat si Laurice hindi lang bilang artista sa mga pelikula ng Agrix at Viva Films kundi sa pagiging isang director. Hinangaan sa Toronto Film Festival ang obra niyang Salome na pinagbidahan noon ni Gina Alajar at ng late husband ni Guillen na si Johnny Delgado. Maging ang ating Star for All Seasons na si Gov. Vilma Santos, Zsa Zsa Padilla, Christoper de Leon at ibha pang artista ay nahawakan na rin niya sa mga pinag-usapan at kumitang movie projects. Yes sino ba naman ang makali-limot sa Magkano Ang Iyong Dangal nina Boyet at Zsa Zsa na isa sa blockbuster movie noon ng Seiko Films ni Robbie Tan. Pero sa kabila ng kanyang mga tagumpay ay may isa pa palang pa-ngarap si direk Laurice — ang makagawa ng pelikula na mga young ones naman ang kanyang artista. At very thankful ang director sa Skylight Filmsat Regal Films dahil sa kanya ipinagkatiwala ang latest movie offering ng magkasosyong movie outfit na “Once A Princess” na pinagbibidahan nina Enchong Dee, JC de Vera at Erich Gonzales. Sobrang ang gaan raw katrabaho ng tatlong Kapamilya stars kaya naman very smooth ang bawat shoot nila sa film nila na palabas na simula today, August 6 sa 100 Cinemas nationwide. Say ni direk Laurice sa galing nina Erich, Enchong at JC sa drama ay pare-parehong nabigyan nila ng justice ang bawat character na kanilang gina-gampanan kaya naman satiesfied siya sa trabaho ng mga bida. By the way, ang Once A Princess ay hango sa Precious Heart Romances na isang national bestseller na sinulat ng fictionist na si Angel Bautista. Todo-todong dramatic scenes ang ipinapakita sa movie at kaaawaan talaga ang character dito ni Erin na ginagampa-nan ni Erich na alang-alang sa kapakanan ng kanyang pamilya ay napilitang pumatol at makisama kay Damian(JC) na hindi niya mahal. May mga eksenang sensuwal, pero hindi ito lumabas na bastos dahil sa swabeng pagdidirehe sa pelikula. For the very first time, sa pelikulang ito puma-yag si Erich na magsuot ng two piece sa beach scene nila ni Enchong na very “yummy” rin sa eksena. Ilang pelikula na ng dalawa sa Skylight ang mga tumabo sa takilya at inaasahang mas lalampasan pa ng Once A Princess dahil sa kakaibang plot ng istorya at pagma-mature na rin ng role ng mga pangunahing bida na kering-keri nila. Bigyan natin ng kredito ang mga teleseryeng ipinagkatiwala ng Kapamilya network kina Enchong, JC at Erich dahil dito nahasa ang husay ng tatlo sa pag-arte.

SUFFER SIREYNA GRAND WINNER GILBERT LARQUEZA, WAGI NG MGA BIGATING PREMYO

For sure, sobrang ini-enjoy na ngayon ng kapatid nating si Gilbert Larqueza ang pagkakapanalo niya sa “Suffer Sireyna 2014.” Si Gilbert ang kinoronahan nitong Sabado sa Grand Finals ng nasabing katuwaang Gay Beauty Pageant na ginanap sa Marikina Sports Center na pinanonood ng libo-libong Dabarkads natin. Very proud kay Gilbert o Miss India at Isabelle Daza ang mga ka-lugar sa Brgy. Arkong Bato, Valenzuela City lalo na siyempre ang Barangay Chairman nila.

Tinalo ni Gilbert ang apat na grand finalists sa challenge na ipinagawa sa kanila tulad ng pagbubuhat ng kalating sako ng bigas, lulubog sa dalawang swimming pool para hanapin ang dalawang number, sasakay ng bike at lulusot sa garter papuntang mesa para kainin ang kebab na may sibuayas, kamatis etc. Dahil siya ang may pinakamabilis na oras na natapos ang challenge, sa kanya napunta ang korona at wagi pa siya ng P200K plus Juan for All, All for Juan showcase tulad ng ipinamimigay araw-araw ng Eat Bulaga sa kanilang public service segment na Sugod-Bahay sa Barangay.

Bahagi ng kalahati ng cash prizer ni Gilbert na P100K ay napunta sa kanilang Barangay. Si Joseph Baldomero ang Miss Czech Republic (Marian Ri-vera) ng Brgy. Malanday Valenzuela naman ang na-nalo sa Best in Costume. Tumanggap siya ng P10K plus sash and bouquet of flowers.

Sina Marian Rivera at Gretchen Ho atbp ang judges sa Suffer Sireyna. May charity project rin na ginawa ang finalists. Nag-ipon sila ng plastic bottles na kanilang ini-donate sa project ng Bulaga na Plastic ni Juan!

About hataw tabloid

Check Also

Vilma Santos

Vilma ‘di pa kampanya pero naiikot na buong probinsiya sa relief operations

HATAWANni Ed de Leon HINDI naman disappointed ang mga Vilmanian kung hindi man sila nakipag-birthday party kasama …

Kris Lawrence PMPC Star Awards for Music

Kris Lawrence  pinasalamatan mga taong sumuporta sa 18 taon ng career

MATABILni John Fontanilla NAGBALIK-TANAW at pinasalamatan ng R&B Prince of Pop Kris Lawrence ang mga taong naging …

Kathryn Bernardo Zimomo dolls

Kathryn ‘di nagpahuli Zimono dolls idinispley 

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY na rin ang aktres na si Kathryn Bernardo sa doll craze nang idispley …

Vilma Santos

Ate Vi sa kanyang kaarawan: malusog na katawan at mahabang buhay 

HATAWANni Ed de Leon SA Linggo pa naman iyon, pero gusto na naming ipaabot ang …

Julia Anne San Jose Tanduay

Julie Anne obra maestra para kay Rayver, suportado pagiging GSM Calendar girl

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALA-CONCERT ang isinagawang paglulunsad sa tinaguriang Asia’s Limitless Star, Julie Anne …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *