ni Nonie V. Nicasio
NAGPAKITANG gilas sa galing sa pag-arte ang main casts ng pelikulang Asintado na pinangungunahan nina Aiko Melendez, Jake Vargas at ng child actor na si Miggs Cuaderno.
Sa gala premier ng Asintado na kalahok sa Directors Showcase category ng Cinemalaya 2014, marami ang pumuri sa galing nina Aiko, Jake, at Miggs. Isa na kami sa bumilib sa tatlo at hindi kami magtataka kung mananalo ng award ang sino man sa kanila.
Five years ago ang huling pelikula ni Aiko via Yaya and Angelina nina Michael V. at Ogie Alcasid. Pero hindi siya nakitaan na kinakalawang sa acting sa Asintado, dahil daw ito sa pag-aalaga ng kanilang direktor na si Louie Ignacio.
“Siguro blessed ako, dahil si Direk Louie ay hindi ako pi-nabayaan and then, may free hand ako to suggest kung anong klase ang gusto kong atake sa eksena. If you’ll notice nga sa pelikulang ito, very seldom na napasigaw ako, puro talaga under-acting ang ginawa ko,” saad ni Aiko na idi-nagdag pang dahil daw gusto nilang ipakita ang build-up ng emosyon ng character niya na isang ina na gagawin ang lahat para sa kanyang mga anak.
Sinabi rin ni Aiko na proud siya na bahagi siya ng Cine-malaya this year. “First indie ko ito at first Cinemalaya rin, kaya sobrang proud ako. Kasi, para maging parte ka ng Cinemalaya na napaka-prestihiyoso, iba e at masayang-masaya ako talaga,” nakangiting saad pa ni Aiko.
Kabilang kami sa nagsasa-bing sina Aiko at Ms. Nora Aunor ng pelikulang Hustisya ang maglalaban sa Best Actress sa Cinemalaya X.
Ang iba pang casts ng Asintado ay sina Gabby Eigenmann, Rochelle Pangilinan, Benjie Felipe, Madz Nicholas, Maita Ejercito, at Jak Roberto. To Dennis Evangelista na siyang line producer at kay Direk Louie, congrats sa Asintado!
MOJAK AT DK VALDEZ, HAHATAW SA RECORDINGS AT SHOWS ABROAD
NAPAKINGGAN ko sina Mojak, DK Valdez, and Ms. Jackie Dayoha sa programang Raydio Filipino Osaka Japan ni DJ Liza Javier at nalaman ko na si DK pala ay under na rin sa pangangalaga ni Ms. Jackie.
After this ay na-interview ko naman si DK at nalaman kong may bago siyang album. “May ilalabas po akong bagong single, iyong, Di Ko Kaya ang title. Ilo-launch ito pagdating ng manager kong si Ms. Jackie na ngayon ay nagbabakasyon pa sa US,” saad ni DK na naka-base na sa Germany.
Napag-alaman din namin sa talented na singer na bata pa lang ay kumakanta na siya. Pero taong 2000 siya naging professional na mang-aawit talaga, hanggang magka-album na siya.
“I released my debut album in 2012, na ako ang nanalo ng PMPC Star Award’s For Music-2012 Best Male Recording Artist of The Year. At Best Performer sa Sängerbund Germany.”
Bakit niya naisipang kuning manager si Ms Jackie?
“Wala po ako manager since nag-work ako as professional singer abroad at sa mga concerts ko sa Europe, agents lang mayroon ako. Ang feeling ko ngayon na magkakaroon ako ng manager ay magkahalong kaba at excitement, kasi naabot ko ang kung anong mayroon ako ngayon sa sipag at tiyaga ko at hindi ako sumuko.
“Marami din akong pinagpi-lian na mag-handle sa akin pero pinili ko si Miss Jackie, kasi magaan ang feeling ko sa kanya. ‘Yung walang wall akong nararamdaman.”
Sa panig naman ni Mojak, ang kanyang single na Beckylo ay malapit na rin mapakinggan. Potential hit din ito dahil ang gumawa ng kanta ay composer din ng pinasikat na kanta ni Willie Revillame.
Balita ko ay magkakarooon ng radio tour sa Leyte, Cebu, Davao, at Iloilo sina Mojak at DK sa bandang October. Sa November naman ay magkakaroon ng isang buwang show sa Japan sina Mojak at DK.
Pagkatapos nito sa Germany naman sila hahataw!
Kaya ngayon pa lang, binabati na namin ang triumvirate nina Mojak, DK, at Ms Jackie.
Congrats sa inyo and more power!