Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vhong, Carmina at Louise mapapanood sa bagong “Wansapanataym” special na Nata de Coco mamaya na

080214 vhong carmina louise

ni Peter Ledesma

Isang buwan na puno ng magic at mahaha-lagang aral ang hatid nina Vhong Navarro, Carmina Villarroel at Louise Abuel sa buong pamilya ngayong Agosto sa pagsisimula ng kanilang “Wansapanataym” special na pinamagatang “Nato de Coco” na halaw sa isa sa mga obra ng batikang comic master na si Rod Santiago.

Sa “Nato de Coco” na ipalalabas ngayong Linggo (Agosto 3), bibigyang-buhay ni Vhong ang karakter ni Oca, ang ama ni Nato (Louise), at isang mahusay na basketball player. Ngunit dahil sa kanyang pagiging abala sa kanyang ka-rera, mawawalan si Oca ng panahon para sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang anak na lubos na humahanga sa kanya.

Makababawi pa ba si Oca sa mga pagkukulang niya sa kanyang pamilya? Sa sandaling malagay ang buhay niya sa panganib, paano pa mapoprotektahan ni Oca ang anak na si Nato? Bahagi rin ng “Nato de Coco” sina Ella Cruz, Joshua Dionisio, Epi Quizon, at Yogo Singh.

Ito ay sa ilalim ng panulat ni Noreen Capili at direksyon ni Lino Cayetano. Sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment Television, ang original storybook ng batang Pinoy na “Wansapanataym,” ang longest-running at most-awarded fantasy-drama anthology ng ABS-CBN. Huwag palampasin ang pagsisimula ng “Wansapanataym Presents Nato de Coco” mamayang 6:45 p.m. pagkatapos ng “Goin’ Bulilit,” sa ABS-CBN.

Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …