Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Diary ng Pogi (Just Call me Lucky 2) (Part 47)

NAGHULAS ANG PANGARAP NG DABARKADS NI LUCKY NA MAGPULIS

 

“Tingnan ko nga…” ang sabi ng opisyal ng pulisya na kumuha sa baril ng les-pung nakasibilyan.

Tinanggal ng pulis na may ranggong kapitan ang magasin ng baril na kalibre kwarenta’y singko. At mula sa lalagyan ng bala niyon ay nangalaglag sa lupa ang mga tig-bente at tig-singkwenta pesos na salaping papel. Sa halip na bala, ang nakakarga pala sa magasin ay mga salaping papel na nakarolyong tila stick ng sigarilyo.

Sa tingin ko ay nagmistulang estatuwa ang kotongerong les-pu sa harap ng opisyal niya at ng madlang pipol na mapag-usyoso.

“Report to my office immediately,” ang utos sa corrupt na tauhan ng opisyal na pulis na nagtatagis-bagang sa galit.

Bago ang pagbubukas ng klase ay nagki-kita kaming muli nina Jay at Ryan sa tea house na istambayan namin.

“Mag-e-enroll ako sa kursong Civil Engineering sa darating na pasukan,” sabi ko kina Jay at Ryan.

“HRM ang kukunin kong kurso…” ang agad idiniga ni Ryan.

“Ikaw, ‘Dre? Pagpu-pulis pa rin ba ang gusto mo?” ungkat ko kay Jay na walang kibo.

Matalim na tingin ang ipinukol niya sa akin.

“Nang-iinsulto ka ba, ‘Dre, o gusto mo akong alaskahin?” aniyang nanggagalaiti sa pagkaasar.

Nag-flashback marahil sa memorya ni Jay ang nasaksihan namin noong mga insidente ng pagiging bopol at corrupt ng dalawang bugok na les-pu.

Barking UP the wrong tree

May bagong lipat na chickababes sa barangay nina Jay at Ryan. Kilala lang siya sa pangalan ng mga dabarkads ko. Megan ang pangalan niya. Doon siya naninirahan sa isang bahay-resi-densiyal na katatapos lang gawin. Napa-wow ako noong una ko si-yang makita. Tunay na kartada 10 ang taglay na byuti. At parang wala ka talagang maipipintas sa kanya.

“Paano ko kaya siya makikilala nang personal?” pagbubuntong-hininga ni Jay habang nakatanaw kay Megan, naka-jogging pants at T-shirt sa pagdya-jogging sa malawak na bakuran ng kanyang bahay. (Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …