ni ROLAND LERUM
PINAGSO-SHOWBIZ na rin pala ngayon ni Mark Anthony Fernandez ang 15-anyos niyang anak. Member ng youth-oriented group na Gimme 5 si Crae Fernandez. Maganda ang boses ni Grae kaya nang mag-audition siya ay nakuha agad. Hindi naman niya akalaing mapapabilang siya sa limang kabataan na gagawing isang singing group.
Sa Gimme 5, si Nash Aquas lang ang kilala ng mga tao dahil matagal na siyang naging childstar at ngayon ay lumalabas na sa mga teleserye gaya ng Luv U sa ABS CBN.
Unang umapir bilang singing group ang Gimme 5 sa ASAP at agad nakakuha ng maraming fans. Ano ang payo ni Mark sa kanyang anak? ”Huwag daw po lalaki ang ulo ko,” sabi ni Crae.
Kung mabibigyan ng pagkakataon, sino ang gusto niyang makapartner sa pelikula? ”Si Kim Chui po kasi mabait at maganda bukod sa magaling siyang artista,” sagot niya.
At ano ang kanyang ideal girl? ”’Yong matalino lang po.”
Prangkahang tanong, Sino sa palagay niya ang mas guwapo sa kanilang dalawa ng tatay niyang si Mark? ”Siyenpre po, ako!” pagmamalaki niya.