NAKUNAN ng video ang insidente ng pag-angat ng dalawang kayakers mula sa dagat bunsod nang biglang pagsulpot ng isang balyena sa ilalim ng kanilang kayak.
Lulan ng kayak ang dalawa katao sa Atlantic Ocean malapit sa baybayin ng Puerto Madryn, Argentina, nang maispatan nila ang dalawang lumalangoy na balyena.
May dalang camera ang isa sa kayakers at nai-record ang paglangoy ng mga balyena sa paligid ng kanilang kayak, bago sila isinakay sa likod nito.
Biro ng isang lalaking kayaker: “Look, it’s coming over here, it’s angry with you.
“It’s coming to bite the paddle. Terrible, terrible, we’re on top of the whale!”
Ininagat ng balyena ang kayak mula sa tubig nang ilang segundo bago muling sumisid pailalim at lumangoy palayo.
Ang footage, na ini-upload sa YouTube ni user gisela6652, ay napanood na ng halos 800,000 viewers. (ORANGE QUIRKY NEWS)