Saturday , November 23 2024

Mga mahistrado ng SC naliligo ba sa mineral water?

00 Bulabugin
Tuliro na raw ang Commission on Audit (COA) kung paano ipapaliwanag sa taong bayan ang kanilang natuklasang report mula sa Korte Suprema.

Hindi raw maintindihan ng COA kung saan galing ang pondo na ipinagpatayo o ibinili ng dalawang water purifying refilling station.

Ayon sa COA Report 2013, bumili ang Korte Suprema ng dalawang water purifying refilling station sa halagang 1.1 milyon na hanggang ngayon ay hindi pa raw naa-account? Nasaan ang resibo ng pagkakabili ng dalawang makina?

Natatandaan n’yo ba ‘yung JDF o Judiciary Development Fund na kinokolekta ng husgado sa tuwing magsasampa ng kaso si Juan dela Cruz? Na-inalmahan ng marami dahil na taas ng halaga, maging ang docket fee o filing fee ng kaso, diyan din umano galing ang budget na ipinambili ng water purifying refilling station.

What the fact!?

Magkagayonman, kung talagang kailangan nga ng mga kagalang-galang na mahistrado ng Korte Suprema (para sa kanilang kalusugan ) na magkaroon ng sariling water refilling station, hindi naman siguro aabot sa halagang P1.1 milyon ang halaga nito.

Batay sa tumatakbong presyo o halaga ng isang water refilling station ay nagkakahalaga lamang ng P300,000 ang isa.

Mukhang may hindi malinaw sa sitwasyong ito. Ano nga bang mayroon ang water refilling station na ‘yan at ganoon kamahal?

Kuwentahin naman natin ang magagastos kung hindi sila bumili ng water refilling station.

Ang halaga ng isang container na inuming tubig sa mga water refilling station ay umaabot sa P30 bawat isa, ‘di po ba?

Ang bawat isang container ay may 15 litro ng tubig, samakatuwid kung labing-lima (15) ang mahistrado ‘e isang container ang masasaid nila sa bawat araw. Tama ba?

Sa loob ng isang taon na 365 araw (kasama ang Sabado’t Linggo at piyesta opisyal) aabot sa halagang 36,500.00 sa isang taon.

Aabutin ng mahigit 41 taon ang pagkunsumo ng bawat isang container na refilled water bago maubos ang P1.5 milyon.

Kung susundan natin ang COA report hindi pa nakasaad doon ang maintenance, paglalagay ng tao o empleyado na mag-aayos at magme-maintain nito (kung masisira), ang kukunsumohing tubig (na babayaran din nila dahil kailangang bumili rin ng tubig mula sa MWSS at koryenteng gagamitin at iba pa.

Tama ba ang kuwentada natin?

Tanong lang naman natin, tama ba na bumili ng water refilling station o bumili na lang sa labas (outsource) ng tubig?

Ano nga ba ang tama at makatuwiran?

Tandaan natin na ang pinag-uusapan dito ay salapi ng bayan, maging galing sa buwis o sa koleksyon nila ng pondo. Mga pantas sa batas ang mga mahistrado natin, ang batas ay siyensa ng lohika at tamang katuwiran.

Papaano ba ‘to Justice?

Nasaan ang transparency at accountability?

Ipakita nga ninyo sa taong bayan kung papaano ginastos ang P1.1 milyon para sa dalawang (2) water refilling station nang sa gayon ay maabsuwelto kayo sa taong bayan.

‘Yun lang po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *