ni Nonie V. Nicasio
WALANG kaso para sa premyadong actor na si Raymond Bagatsing kung hindi man kalakihan ang talent fee o bayad sa mga artistang lumalabas sa indie films.Kadalasan kasing reklamo ng mga lumalabas sa indie na mababa ang TF dito, subalit naiintindihan daw niya ito. “Okay lang naman, kasi ay talaga namang hindi masyadong kumikita and mga indies. Kaya’t for the sake of art na lang ito talaga and for the love of it,” saad ng aktor.
Isa si Raymond sa multi awarded actor ng bansa. Nagwagi siyang Best Supporting Actor sa FAMAS at Film Academy of the Philippines awards noong taong 2000 para sa pelikulang Soltera na pinagbidahan ni Maricel Soriano.
Dalawang ulit naman niyang nakopo ang Best Actor Award sa Gawad Urian. Noong 1998 para sa pelikulang Milagros na tinampukan ni Sharmaine Arnaiz at sa pelikulang Serafin Geronimo: Ang Kriminal ng Baryo Concepcion noong 1999.
Sa ngayon ay ginagawa niya ang pelikulang Of Sinners and Saints at ang Cinemalaya X entry na The Janitor. Magkaiba ang ginampanan niyang papel sa dalawang pelikula, isang pari ang sa una at bank robbery suspect naman sa Dennis Trillo at Derek Ramsay movie.
“I play a Spanish priest who has been the Head Priest of Payatas Parish for ten years from Spain.
“This is my second time as a priest. The first was with Direk Celso Ad Castillo sa pelikulang Sanib with Aubrey Miles,” paha-yag ni Raymond.
Dagdag pa niya, “I am excited about this film because of the European directing style of Ruben. It is not a surprise being Italian himself. He is a natural actor and a very sensitive one.
“I respect him for being a multi-tasker filmmaker: he directs, acts and produce. Siya rin ang nag-co-wrote ng movie’ng ito,” pahayag ni Raymond patungkol sa Italian-Filipino filmmaker na si Ruben Maria Soriquez na siya ring bida sa pelikula nilang Of Sinners and Saints.
Bukod kina Ruben at Raymond, tampok din sa naturang pelikula sina Polo Ravales, Chanel Latorre, Richard Quan, at Sue Prado. Ito’y mula sa See Thru Pictures at balak itong isali sa darating na Metro Manila Film Festival Metro-New Wave Ca-tegory.
Ano naman kaya ang masa-sabi niya kina Dennis at Derek na lead stars ng pelikulang The Ja-nitor?
“Magagaling sina Dennis Trillo at Derek Ramsay dito. Ta-lagang pinaghandaan nila iyong kanilang roles.
“First time yata nagkontrabida ni Derek dito at first time naman sumabak sa heavy fight scene si Dennis dito sa pagkakaalam ko.
“I am happy and proud to have had a chance to work with them on this project. I am thankful to Direk Mike Tuviera for including me in his dream Cinemalaya project. Matagal na kasi niya itong naikuwaento sa amin, du-ring The Good Daughter (da-ting TV show sa GMA-7) pa.”
Pagdating naman sa mas paglago pa ng indie filsm, ano sa tingin niya ang dapat gawin para mas matanggap pa ng maraming sector ng lipunan ang ganitong klase ng pelikula?
“Well, kailangan sa tingin ko na i-educate pa ang masa natin tunkol sa benefits ng indie film in order to uplift the indie industry.
“Also, kailangan din na ia-ngat ng gobyerno ang public educational system para mas maintindihan ng viewers and mga complicated themes ng ating mga indie movies,” saad pa ni Raymond.