Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ex-BF umiiyak sa panaginip

Gud day sa u Señor,

Nnginip po ako yung ex BF ko daw ay mgkasam kmi ulit, then umiyak daw … nagttaka po ako d ko naman cya iniisip,pero s totoo lng, wla po akong BF ngayon, wait ko po sagot nyo sa hataw.. tnx a lot… im ms taurus! (09054135576)

To Ms. Taurus,

Ito ay maaaring repleksiyon ng tunay mong damdamin sa estadong ikaw ay gising. Nagpapakita rin ang iyong panaginip ng feelings of rejection. Maaaring sa pakiramdam mo kasi ay walang lubos na nakakaunawa sa iyo. Ang pag-iyak naman sa panaginip ay nagpapakita ng pangangailangang mag-release ng negatibong emosyon na bunga ng kalagayan mo kapag gising. Ang iyong panaginip ay isang paraan upang manumbalik ang iyong emotional balance at isang paraan na rin upang ligtas na mailabas ang iyong mga takot at kabiguan. Nagpapakita rin ito ng iyong helplessness at difficulties and frustrations sa iyong pagnanasang makipag-communicate sa iba, lalo na sa mga malalapit sa iyo. Posible rin na ito ay isang paalala na dapat kang mas maging vocal at mas pagsikapang maiparating mo ang iyong punto sa ibang tao. Nagpapakita rin ito ng pagkawala mo sa focus sa buhay at ng mga kakulangan na nararanasan mo. Posible rin naman na nagpapahiwatig ito ng pagbabalik ng dating damdamin o sitwasyon nang kayo pa ng ex mo. Maaaring ito ay isang paalala rin na may posibilidad na mangyari ulit sa iyo ngayon ang naranasang sakit at pait mula sa iyong ex. Ang anumang natutunan mo sa dating relasyon ay maaaring makatulong sa iyo ngayon at ito ay dapat na i-apply mo sa kasalukuyang sitwasyon, upang maka-iwas sa dating kabiguan at pait na naranasan sa iyong love life. Sa mga ganitong pagkakataon, mas makabubuting ang pairalin at gamitin ay ang isipan, kaysa ang puso o damdamin.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …