NAUNSYAMI ANG PAGPAPAKALIGAYA NI JOMAR SA PILING SANA NI MARY JOYCE PERO …
Beterano na si Jomar sa babae. Binili-san niya ang pagpapatakbo sa minamanehong sasakyan. At lalong pinahagibis iyon nang maglumikot ang kamay ng dalaga sa pagitan ng kanyang mga hita. Gigil nitong ginising ang damdamin niya bilang isang lalaki.
Ilang sandali pa at naroon na sina Jomar at Mary Joyce sa isang lugar sa Pasay kung saan naghilera ang mga motel. Isang likong pakaliwa na lamang at papasok na ang sasakyan nila sa compound niyon. Papunta na sila ng dalaga sa “langit-langitan.”
Pero napansin ni Jomar na tila bumubuntot sa kanila ni Mary Joyce ang dalawang kotseng kulay itim. Ni-lampasan sila ng nauuna. Ang isa ay nanatili sa kanilang likuran.
“Skriiiiit!” ang ingit ng mga gulong ng kotse ni Jomar. Kundi siya marahil naging maagap sa pagpepreno ay malamang nabangga niya ang isa sa dalawang kulay itim na kotse na pabalagbag na huminto sa gitna ng kalsada.
Mistulang sasabak sa giyera ang mga kalalakihan na nagkumahog sa pag-ibis ng sasakyan. Puro mahahabang baril ang hawak, nakaumang kay Jomar na nasa harap ng manibela ng kanyang kotse.
“Nasundan tayo ng mga aso ni Daddy…” bulalas ni Mary Joyce sa pagtigas ng anyo.
“H-ha?” pitlag ng binata, malakas ang kabog ng dibdib.
Isa sa mga kalalakihan ang nagbukas ng pintuan ng kotse ni Jomar. Hinila nito sa kamay si Mary Joyce.
“Sorry, Miss Joyce… Napag-utusan lang po kami ng daddy mo,” anang lalaking nagpukol ng matalim na tingin kay Jomar.
Sapilitang isinakay si Mary Joyce ng mga kalalakihan sa itim na sasakyan na nasa likuran ng kotse ni Jomar.
“Pasalamat ka, ‘Pre, at ang instruction lang sa amin ni Sir, e, bawiin lang sa iyo si Miss Joyce,” sabi ng lalaki na parang tigre kung makati-ngin kay Jomar.
Nakahinga nang maluwag si Jomar nang agad mag-alisan ang mga tauhan ni Gob. PJ Revillaroja na kumuha sa kasama niyang si Mary Joyce.
Napurnada ang pagpapakaligaya sana ni Jomar sa kabanguhan ng dalaga.
Naikuwento niya ang pangyayaring iyon kay Mang Temyong, ang may edad nang driver-delivery man ng kanilang kom-panya. (Itutuloy)
ni Rey Atalia