Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kamkam, makabuluhang pelikula na sumasalamin sa lipunang Pinoy

070414 Kamkam

ni Nonie V. Nicasio

NAPANOOD namin ang pelikulang Kamkam sa premier night nito last Sunday at nalaman namin kung bakit Graded-A ito ng Cinema Evaluation Board.

Kasaysayan ito ng isang Kingpin sa Sitio Camcam na ginampanan ni Allen Dizon. Kontrolado niya ang halos lahat ng illegal na gawain sa kanilang lugar tulad ng droga, pasu-galan, illegal na koneksiyon ng tubig at ilaw, jueteng at iba pa. Tatlo rin ang asawa niya rito, ang orig na si Jean Garcia, ang no. 2 na si Sunshine Dizon, at si Jackie Rice na bagong babae ni Allen na galing sa club na iginarahe at ibinahay niya sa kanilang lugar din.

Makikita sa bagong obrang ito ni Direk Joel Lamangan ang salamin ng kahirapan, korupsi-yon, pang-aabuso, at gamitan ng mga taong handang kumapit sa patalim para lamang maka-survive sa mga dagok at pagsubok ng buhay. Napapanahon at makabuluhan ang pelikulang ito ni Direk Joel.

Nagsusumigaw dito ang problema sa lipunan na higit pa sa makikita ritong mga basura sa estero, palakasan ng mga nasa poder, at baho at kabulukan ng sistema na kailangang pikit-matang lunukin ng mga nakatira rito dahil wala naman silang pagpipilian. Na ang mga mahihirap ay ginagamit lang ng mga politiko at kapag tapos na ang eleksiyon ay balewala na dahil yagit lang talaga ang trato sa kanila.

Sina Jean at Emilio Garcia bilang Kagawad at Barangay Chairman respectively, ay mga corrupt na politiko na im-bes maglingkod sa nasasakupan nila ay promotor pa sa mga katiwalian sa kanilang lugar.

Bilang Kingpin naman, si Allen ay protektado ng kanyang ninong na hepe ng pulisya, na siyempre pa ay bastante sa patong. Money talks ang labanan, ‘ika nga.

Sa bandang huli, huli na nang nagsisi si Allen at nawalan ng saysay ang kanyang pa-ngarap na magbagong buhay. Na kapareho rin ng sasapitin ng mga nakatira sa Sitio Camcam dahil sa pag-demolish sa mga squatters dito upang tugunan ang mas malaking ganansiya sa pagbenta ng lupang tinitirhan ng mahihirap, para paboran at magbigay-daan sa mga negosyanteng Koreano.

Bukod sa magaling na direksiyon ni Direk Joel, impressive sa casts sina Jim Pebanco, effective at effortless siya bilang bading na kanang kamay ni Allen na may pagti-ngin sa kanya. Ang orig wife na si Jean na kuwela ang pakikipag-tarayan kay Jackie, si Sunshine bilang no. 2 na naging religious, at si Allen na talagang mas lumalim ang acting sa pelikulang ito. Special mention din si Jackie na talagang nag-level-up ang acting dito at nagpaka-daring pa. Bigay na bigay siya sa love scenes niya rito kina Allen at Kerbie Zamora.

Ang pelikulang Kamkam ay mula sa Heaven’s Best Entertainment. Showing na ito simula pa nitong Hulyo 9, tampok din dito sina Elizabeth Oropesa, Joyce Ching, Lucho Ayala, Rita de Guzman, Hiro Peralta, Athena Bautista, Zeke Sarmenta, at si katotong Benjie Felipe.

Sulit ang ibabayad ng manonood sa pelikulang Kamkam kaya hindi ito dapat palagpasin. Congrats Direk Joel at sa line producer nitong si Dennis Evangelista.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …