MULING naging matagumpay ang pagkaka-release ng ikatlong album ng 1:43, ang kanilang all original album na may titulong #KalyePop (KPop) album na inirelease ng MCA Music (Universal Music Philippines).
Napag-alaman namin mula sa label nito na mabentang-mabenta ang #KalyePop album sa Astrovision, Astroplus, at Odyssey record bars sa Metro Manila habang laging nauubusan naman ng stock sa ibang branches nito.
“It is a pleasant surprise to learn that the sales of our #KalyePop album is doing well, especially at this time when music fans are no longer buying physical copies of OPM albums. We can’t help but be grateful to our fans and supporters for the good news!” sambit ng spokesman ng grupo na si Anjo Resurreccion.
Ang neocolonial-inspired album na #KalyePop ay binubuo ng anim na musicallydiverse tracks mula sa foremost Filipino boy band na nagpasikat sa awiting Sa Isang Sulyap Mo, sa monster hit song na nagwagi sa 2013 PMPC Star Award for Music bilang Song of the Year at Most Promising Performing at Recording Group sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarhip Foundation’s 45th Box-Office Entertainment Awards.
Pawang komposisyon ni Urie Tesorio, group’s road manager ang mga awiting nakapaloob sa album tulad ng Hayop Sa Ganda at Ikaw At Ako maliban lamang sa Ang Saya-Saya na komposisyon ni Jonathan Ong ng Sonic State Studio. Si Chris Cahilig, band manager at public relations entrepreneur naman ang nag-prodyus ng album samantalang si Ong ang nag-arrange ng mga awitin. Si Kimmeth Nicolas nmag-photograph ng album cover at si Ryuji Shiomitsu ang nagdisenyo.
Kasama rin sa album ang novelty song na Istambay Me na tumatalakay sa santambak na walang trabaho na mga kabataan at ang ballad song na Langit at Pwede Bang Malaman na nagdadala ng signature romantic melody and lyrics ng 1:43.
Ang 1:43 ay binubuo ng apat na talented, charming, at stylist men na sina Resurreccion, a University of Sto. Tomas Psychology graduate at MYX VJ Search finalist; Argee Golding, an international taekwondo medalist mula UST; Gold Aquino, an entrepreneur at Business Administration graduate mula CEU; at si Yuki Sakamoto, Hotel and Restaurant Management student mula CEU-Makati at siyang main vocalist ng grupo.
“#KalyePop is inspired by the musical aestherics of the everyday Juan de la Cruz on the street. We wanted a selection of songs that can be easily played with a guitar while having a drinking session or danced by the massed young and old, rick and poor in public gatherings,” esplika ni Cahilig kung bakit niya ipinrodyus ang album.