Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Parada ng mga magaganda at seksi sa GRR TNT

062814 grr
BEAUTIRIFIC ang matutunghayang mga istorya sa Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) ngayong Sabado sa GMA News TV, 9:00-10:00 a.m..

May interbyu si Mader Ricky sa nagwaging sina Ms. Philippines Earth 2014 Jamie Herrel, Ms. Philippines Earth Air Carmele Querrer, Ms. Philippines Earth Water Kimberly Covert, at Ms. Philippines Earth Fire Bianca Paz.

Isasalaysay ng mga kagandahang ito kung ano-anong paghahanda ang ginawa nila para makamit ang korona. Naniniwala sila na ‘pag may hirap may korona.

May sayaw para maging malusog at maligtas sa rayuma ang mga senior citizens at iba pang nakababata sa kanila ang Dance Divang si Regine Tolentino.

Dalawang dalagitang freshman sa high school ang isasalang sa Make Over Magic. Makikita sa mga ngiti ng mga tinedyer ang gulat at kasiyahan sa ginawang pag-aayos sa kanila mula ulo hanggang paa.

Alamin kung sino-sinong artista ang pinakabyuti, maiinit, at seksi sa kanilang henerasyon. Sila’y ibinoto ng mga manonood ng programa at ang highest 10 ay pararangalan ni Mader.

Basta usapang pangkagandahan, dapat kayong sumangguni sa GRR TNT na prodyus ng ScriptoVision. Sabi nga ng fans ni RR, “Mader knows best.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …