ni Nene Riego
ISA pang maligaya’y si Valerie Concepcion na ang dyowa’y isang binatang medical student. May panahong sila ng isang PBA basketeer pero ‘di raw boto rito ang 9-anyos niyang anak na si Fiona. Eh, boto kaya ang bata sa bagong dyowa ng ina?
Limang buwan pa lang daw ka-ON ni Vale ang bagong dyowa. At kahit gusto ito ni Fiona’y matagal pa bago siya pakasal dahil nasa second semester pa lang siya ng Marketing sa AMA at type niyang tapusin ang kurso. Ang lalaki’y nasa pre-med pa ngayon. Matagal pa bago maging ganap na doktor.