ni Alex Brosas
USAP-USAPAN ngayon ang pagkawala sa list ng National Artist ni Nora Aunor. Ang kuwento, hindi raw pinirmahan ni President Noynoy Aquino ang proclamation para kay Nora dahil sa kinasangkutan nitong drug issue rati.Nabasa namin sa isang interview na nagsalita ang hindi nagpakilalang malapit sa kampo ni PNoy at sinabing ang drug issue ni Ate Guy Dati ang nagbigay ng dahilan para hindi pirmahan ni PNoy ang proclamation ni Ate Guy. Kasi nga, hindi raw magandang example ‘yon sa mga kabataan.
That said, we feel na hindi naman tama ‘yon. Unang-una, walanG morality clause sa pagpili ng National Artist. Artistry ang pinag-uusapan, galing ng isang tao sa isang larangan.
Ang galing nito ni PNoy, ‘no? Noong nangangampanya pa siya ay ginamit niya ang mga artista para sa kanyang campaign. ng then para mapasakamay niya ang presidency the likes of Dingdong Dantes, Marian Rivera, Ai Ai delas Alas, Boy Abunda, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Sharon Cuneta, Anne Curtis, Bianca Gonzales, Mariel Rodriguez, Erik Santos, Bea Alonzoappeared in his TV ad then.
Ngayon, hindi mo pala maaasahan si PNoy sa pagtulong sa mga celebrity. Isang pirma na lang ang kailangan niya ay ipinagkait pa niya.
It appears therefore na walang concern si PNoy sa movie and TV industry. Ang alam lang niya ay gamitin ang mga celebrity para sa kanyang kapakanan. How sad!