SA edad nina Julia Barretto at Enrique Gil, alam na nila ang tamang paraan tungo sa pagkakaroon ng healthy heart at healthy body to be able to love more.
Tulad ni Enrique, aminado siyang hinangaan niya ang San Marino Corned Tuna nang simulan niyang kumain ng healthy food. Kaya naman nang malaman niyang kinukuha sila ni Julia ngFoodsphere, Inc. para maging newest endorser ng San Marino Corned Tuna, alam niyang tamang-tama at nararapat ito sa kanya.
”I love it! Even before, San Marino Corned Tuna na ang palaging kinakain ko. Then, they got me as their endorser, wow, it’s like a win-win situation.”
Bukod dito, nalaman pa ni Enrique ang mga benepisyong nakukuha sa pagkain ng San Marino Corned Tuna mula sa kanyang mga kaibigan.
“Before I joined Bachelor Bash, I didn’t know anything, I was like 17 and the youngest at that time. And they told me, ang diet ko nga raw, I can eat crackers and San Marino Corned Tuna and since then, it was really effective.
“And what I enjoyed the most, naka-diet ako, pero, ang sarap ng kinakain ko, so, hindi mo mapi-feel na nagda-diet ka pala,” giit ni Enrique.
Paborito ni Enrique ang San Marino Corned Tuna chilli flavour.
Samantala, mahilig namang kumain ng junk food si Julia hanggang sa maimpluwensiyahan siya ni Enrique na kumain ng healthy food. Nag-umpisa ito siyempre nang magkasama sila sa teleseryengMira Bella ng ABS-CBN.
Simula noon, pareho na nilang ine-enjoy ang pagkain at benepisyong nakukuha sa San Marino Corned Tuna na less oil, lots of tuna, no preservatives, rich in omega 3, at madali pang ihanda dahil sa easy open can.
“Actually, I learned it from Quen. Because on the set, this guy, he diets. And there are times na nakikita ko talaga sa diet niya ang corned tuna. Sometimes kasi, his face is smaller than mine sa screen, Ha Ha ha! So, every time na may taping kami, I have to diet. I have to try what he does. And, masarap siya!
“I’m just very grateful, it could have been anybody. It could have been a different pair. But they trust Quen and I and coming from the past endorsers, it’s such an honour,” kuwento naman ni Julia.
At bilang bagong endorser, nae-enjoy nina Enrique at Julia na magkasama sila sa trabaho gayundin sa TV commercial ng San Marino Corned Tuna.
”Sabi ko nga, work ba ‘to? It’s super fun, super fun! Especially with Quen,” dahil lagi silang masaya sa kanilang work
Sa kabilang banda, ibinahagi naman ni Enrique ang naging karanasan niya habang ginagawa ang kanilang TVC shoot, ”Siyempre, kasama si Jules, it was really fun. Sabi nga nila noong first day, how do you like the shoot? Siyempre naman, nagba-bike kami ‘tapos nasa beach, tumatakbo, may aso. Ang saya lang.”
At this point, do they really know what’s right for their heart?
“I think so, but I believe, you’ll never know if you don’t try,” ani Julia.
“I’m like that kasi, unless you’ll experience it yourself, unless you learned from it, you’ll never know.
“Of course, I also have set some standards and now, I can say, I know what’s right for my heart.”
Napatingin naman kay Julia si Enrique at sinabing, ”I think, it’s the same thing, how would you know if it’s the right thing if you will not try it? Paano mo masasabi na mahal mo ang isang taong ito kung before, hindi ka pa na-in-love? If I feel I love somebody ‘tapos nag-break kami, hindi pala love ‘yun.
“Kasi, kung love ‘yun, kami pa rin ‘yun. If you know what love is, madi-distinguish mo ang totoo o hindi. So now, I think I know more and more sa mga nangyari the past few days. Mas alam ko what’s real or not.”
Kaya para kina Julia at Enrique, na nakagiliwan ang pagkain ng San Marino Corned Tuna, naniniwala silang true love is not selfish and it is being shared; and being healthy is not just being sexy, but it’s being truly healthy inside and out.
Kapag ganito ang katwiran mo, hindi ka magkakamali!