Tuesday , December 24 2024

Jed, kahanga-hanga ang pagiging professional

ni Dominic Rea

KILALA natin si Jed Madela bilang isang napakahusay na mang-aawit. Alam din nating lahat kung paano inakyat ni Jed ang rurok ng tagumpay. Nakita rin natin ang pagiging simpleng tao nito, tahimik at wala kang maririnig. Ngunit sa likod ng kasikatan at katahimikan ay nasasaktan din si Jed Madela sa mga akusasyong pilit na ibinabato sa kanyang pagkatao. Mga akusasyong walang basehan na pinagpiyestahan ng ilan.

“I just took it as a challenge Kuya Dom,” aniya ng una ko siyang makausap while mounting a presscon for him.

“ Medyo nakakasama ng loob talaga. But you know, we cannot please everyone, as long as wala akong ginagawa sa kanila, okey na po ako roon! I mean, basta’t ginagawa ko ang trabaho ko, walang nasasabi sa akin ang katrabaho ko, happy ang buong family at kaibigan ko, happy na rin ako. Kasama na talaga ang criticism at intriga sa work,” aniya.

Well, sabi ko nga sa kanya, hindi na siya kailangang i-push pataas dahil sikat na siya bilang isang singer na kilala hindi lang dito sa ating bansa kundi sa buong mundo.

Paano niya naman hina-handle ang fame?

“Simpleng tao lang din ako Kuya Dom! Galing lang din ako sa simpleng pamilya. Simpleng pamumuhay sa Iloilo City, nangarap na maging isang singer, ganoon lang. Walang ere. ‘Yung fame nandiyan ‘yan, but the mostimportant thing siguro na maiiwan mo sa mga tagahanga at nagtitiwala sa ‘yo ay ‘yung maaalala ka nila bilang isang professional, ‘yung pagkanta ko, ‘yung naibigay ko ang boses na gusto nilang marinig from me, ‘yun siguro ’yun! So far, wala naman akong narinig na complaints sa profession ko, wala namang nagsabi sa akin ng negative things kundi lahat naman ay positive feedbacks,” aniyang pagkukuwento pa sa akin.

True! Sa dinami-raming concerts and special/ intimate events na nangyari sa kanyang karera ay napanatili ni Jed ang kanyang estado. Lahat ng kanyang concerts ay full-packed at palakpak ng tagumpay ang laging ibinabalik sa kanya. Kaya naman ngayong July 4, 9:00 p.m.ay magaganap na ang pinaghandaang All Requests concert ni Jed sa Music Museum.

For tickets please call 891-9999 or pumunta lang sa mga SM Ticketnets. Kitakits tayo guys!

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *